Chapter 3

6 3 0
                                    

"HINDI ako aalis dito hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag mo Maycee." Pahayag ni Trish sa kaibigan. Kanina pa siya nakatindig sa may pintuan ng kwarto nito ngunit hindi pa rin natitinag iyon sa ginagawa. Prenteng nakadapa iyon sa higaan habang may binubuklat na magasin at pakuya-kuyakoy pa ang mga paa. Tila nga nagdaang hangin lamang ang mga sinambit niya. Dahil doon, hindi na siya nagdalawang-isip pang lapitan iyon at saka hablutin ang bagay na pinagkakaabalahan nito.

"Ayy kabayo ni Adan nahulog!" bulalas ni Maycee. "Ano bang problema mo sister?"

"Ikaw, ano bang problema mo? Kanina mo pa ko napupuno... You've already reached the boundary level." balik niya rito.

"Do I really need to explain my side? Magkakaaway ba tayo nang dahil sa asungot na iyon?"

"Hindi ko maisip kung bakit ganyan ka sa kanya, nakikipagkaibigan lang naman 'yung tao..."

"Mantakin mo ba naman kasing sabihing manloloko ako, sino bang hindi magpapanting ang tenga? Besides, I think my friend is enough, marami na kayong kaibigan ko at ayaw ko na siyang idagdag pa sa koleksyon ko... She's not a qualified friend." pag-iinarte nito.

"Teka nga, baka naman ikaw ang nauna... Hindi ka naman siguro pagsasalitaan ng ganun kung pinakitunguhan mo agad ng maayos..."

"Sino bang kinakampihan mo, ako na kaibigan mo o siya na mang-aagaw?" anang Maycee.

"Wala akong pipiliin at lalong wala akong pinapanigan sa inyo... I just want to open your mind. Wala namang ginagawang masama 'yung tao sa'yo kahit sa'kin pa, so there's no reason para tratuhin mo siya ng ganyan..." paglilinaw niya.

"E sa hindi ko talaga siya feel eh! What can I do? Mas alangan naman kung makikipagplastikan ako, 'diba?" anas nito.

"This is not our first time to meet her. We already witnessed how nice person she is..." pagbabakasakali pa rin niya.

"Mahirap nanag magtiwala sisterets! Malay ba natin kung pakitang-tao lang ang lahat? Saka, tumatak na sa utak ko na she's a jerk... First impression last..."

"Hay buhay! Sa lahat ng sinabi ko, may nakalaan ka ring sagot. Hindi ka talaga patatalo... Ano bang gagawin ko sa'yo?"

"You have nothing to do sis. Let's stop this argument. Hindi na talaga mababago ang tingin ko sa malanding babaeng iyon..."

"She doesn't deserve those words of yours... To clear, hindi naman niya inagaw si Neil eh..."

"Ganun pa rin iyon!"

"Ito na lang ang pakiusap ko Maycee, kung hindi talaga panatag ang loob mo sa kanya, huwag mo ng ipaglandakan pa 'yun... Please respect her. Hindi naman siya bato para hindi masaktan. Remember, she's a woman..."

"Wala naman kaming pinagkaiba ah... Pare-parehas lang tayo," banat nito.

"Ewan ko sayo!"

"Okay, I'll try to be kind with her some other time but I can't assure you... Isang maling galaw niya lang, malilintikan na siya sa'kin." pagbabanta nito.

"Sana lang huwag kang gumawa ng eksena sa kasal ko," nausal niya dahil imbitado si Yna sa pinaka-importanteng araw niyang iyon.

"Iyon naman ang maipapangako ko sa'yo... I will never ruin your wedding... Behave lang 'to..." he said with assurance.

"Promise?"

"I promise... I swear, cross my heart..." wika nito na inilagay pa ang kamay sa tapat ng puso.

"Inaasahan ko 'yan ahh... Kundi naku! Ewan ko na lang..."

"Oo nga! Maiba nga pala tayo, parating na nga pala rito 'yung kaibigang naikukwento ko sa'yo..." pagbabago nito ng topic.

The Shadow Of Your SmileWhere stories live. Discover now