Chapter 7

7 3 0
                                    

MARINIG pa lamang ang pangalan ni Maycee ay tila isang crystal ang puso ni Yna na anumang sandali'y magwawatak-watak na. Bakit ba naman kasi ganoon siya kaapektado? Tumingala siya nang bahagya upang itago ang nagbabadyang pagbagsak ng kanyang luha saka muling hinarap ang kausap. "Bakit si Maycee kaagad ang pumasok sa isip mo, ate?"

"E sa iyon ang unang lumipad sa isip ko eh, ano'ng magagawa ko? Isa pa nga pala, bigla ka na lang nawala sa reception. Lagot ka, nagtatampo sa'yo si Trish," pananakot ni Chris.

"Hindi nga? Pasensya na, nagkaroon kasi ng biglaang emergency sa bahay sinabayan pa ng pagsama ng pakiramdam ko." Maagap na sagot niya.

"'Kow! Sa presinto ka magpaliwanag!"

"Ate Lia naman eh! Sorry na..."

"Kay Trish ka mas humingi ng tawad. Ni text man lang kasi hindi nag-abalang mag-send. Sino'ng hindi magtatampo? Walang kapatawaran 'yun!" panonopla pa rin nito.

Ngayon niya lamang na-realize ang bagay na iyon. Bakit ba hindi man lang sumagi sa isip niya na magpaalam? How terrific! Kasalanan 'to ng baklitang 'yun! She cried a river over a non-sense guy, worthless tears!

"Hoy, natulala ka na diyan! I really smell something's going on and it includes Maycee. Ipupusta ko ang buhay ko kung hindi 'yan tama!"

Kanina pa sana niya iaawang ang labi upang tutulan ito ngunit nang marinig ang huling katagang binitiwan, animo'y nadikit na ang kanyang mga paa sa sahig. Daig pa ka'mo niya ang nasa bingit ng bangin. Gusto na rin yata ako ibitin patiwarik eh! "Aaaah..." tanging lumabas sa kanyang bibig.

"Pambihira! After few minutes nang pag-absorb ng sinabi ko, 'ah' lang ang sasambitin ng mala-puso mong labi. It is just a matter of a YES or a NO."

"It's actually a matter of life and death,"pagtatama niya.

"Grabe! May hawak na ba 'kong kampit?" kunwa'y napatingin pa ito sa suot at biglang natawa ng pagak nang makita ang ayos. Itim na bestida kasi ang suot nito. "Nakakainis ka!" Chris rolled her eyes heavenward.

"Peace! Oo na po. Suko na 'ko." Nakataas pa ang dalawang kamay na pag-amin niya.

"O-M-G! We really need to talk over that unresolved case. Thank God for sending me here," pinagsalikop pa nito ang mga palad.

"Before that, ano nga po pala talaga ang intensyon niyo sa pagparito. Natabunan na kasi ng kung anu-anong topic eh!" usisa niya.

"I just want to make use of your alluring beauty. I wanted to give you an opportunity to be a glamorous model," nagniningning ang mga matang sagot nito.

"Huh?" nalilitong reaksyon niya.

"Sayang ang enchanting look! Dito mamayagpag ang pangalang Yna Lazaro sa larangan ng fashion modelling..."

"NAKAHANAP ka na ba ng pwedeng gawing modelo, Charmaine?" untag ni Maycee sa isang emplayado sa boutique ng kaibigang si Trish. Gaya nga ng ipinangako nito noo'y naging kanang kamay din siya nito sa pagpapatakbo ng Fantasy Wonderland bukod kay Michelle na siyang matalik na kaibigan nito.

Bago pa man makasagot ang pinagtanunga'y, humahangos na dumating si Chris. And what do you expect, sa kanya lang naman matutuon ang atensyon ng lahat! Anak ng... Talagang may kasama pang asungot!

"Sinabi ko naman sa'yong makakahanap ako, 'diba?" bungad nito sa kanya.

"Don't tell me na siya ang gusto mong i-suggest," sabi niya sabay labi sa dalaga na agad namang nagbaba ng tingin.

"Yep! Subukan mong umangal, kukutusan kita ng bonggang-bongga! Over qualified pa nga si Yna eh!"sagot nito.

"Ikaw na rin ang may sabing over qualified siya kaya we'll not accept her." Walang kagatung-gatong na turan niya.

The Shadow Of Your SmileWhere stories live. Discover now