Chapter 5

4 2 1
                                    

"GAYAK NA GAYAK ahh... Hoyy bruha, hindi ikaw ang ikakasal! Feelingera ka talaga!" bungad ni Maycee kay Chris.

"Ikaw si kontra kahit kailan!" tugon naman nito sa kanya.

"Mabuti iyon nang mahinto ang pangangarap mo ng gising! Aba'y baka talbugan mo pa ang beauty ng bride niyan..." natatawang turan niya sa kaibigan.

"Hindi ko naman mapapantayan ang beauty ni Trish... Naiinip lang naman kasi ako eh... Kailangan lalong main-love sa'kin si Berting kaya nagpapaganda ko ng husto... Baka sakaling maisipang mag-propose..." pahayag nito sabay nguso.

"Hindi ka naman atat masyado..."

"Gusto ko na rin kasing maramdaman ang feeling isang bride. Kung pwede nga lang, ako na ang mag-aaya ng kasal kay Robert... No more hesitations! 'Diba romantic?" baling nito sa kanya.

"Baliw! Matuto ka kasing maghintay... Baka naman mawala ka sa katinuan ah, edi lalo pang nadisgrasya... Sa Mental Hospital pa tuloy mo..."

"Kaasar 'to!"

"Tama naman ako 'diba?"

"Ay ewan ko sa'yo! Teka, look at me straight Maycee..." kunwa'y utos nito sa kanya na nagpakunot ng kanyang noo. "Bingo! Parang may iba sa'yo? Anything wrong?"

"Porque naka-Amerikana lang ako, kung anu-ano na iniisip mo diyan... Parang kailan lang nakita mo kong pormal ang ayos, 'diba?"

"Hindi iyon sa kesyo panlalaki ang ayos mo... Lalake ka namang talaga eh, na-immune ka na lang sa sarili mong ideya. Basta, iba aura mo today..."

"Kailan ka pa naging manghuhula?"

"Malakas lang talaga ang pandama ko... Ano ngang problema mo?"

"Haayyyy..." hinga niya ng malalim.

"You can't deny it anymore... Spill it out!"

"Chris, dapat buong-buo ang saya ko ngayon dahil ito ang pinakaaabangang araw ng kaibigan ko pero..." bitin niya sa nais sabihin.

"Pero?"

"Today is March 17..." he answered. Take note, he's using his male calm voice.

Sa punto pa lamang na iyon na banggitin nito ang petsang iyon ay agad na niyang nahinuha ang ibig nitong ipahiwatig lalo pa't tinawag siya nitong "Chris" na karaniwan lamang nitong ginagawa kung may dinadamdam iyon. Idagdag pa ang paggamit nito ng orihinal na boses. Hindi na niya napigilang lapitan iyon at daluhan sa kalungkutan.

"You've suffered already for eleven years, palayain mo na siya..."

"How could I forget her kung hanggang sa panaginip hinahabol niya ko... Ang tumatangis niyang mukha ang nakikita ko..."

"Alam mo ba kung bakit siya umiiyak? Nagdurusa rin kasi ang puso niya katulad mo... Magpahanggang ngayon kasi'y hindi ka pa rin nakakausad... Iyon ang nagiging siyang dahilan kaya hindi ka niya maiwan..." paliwanag nito.

"Para kong baliw na umaasa na balang-araw ay mabubuhay siyang muli at babalikan niya ko..."

"Oh Mike..."

Bumuga muna iyon ng isang malalim na buntong-hininga bago iniangat ang ulo at ngumiti sa kanya, "The party is over... Halika na, kailangan na nating pumunta ng simbahan... Baka imbes na bride ang hintayin tayo pa ang hintayin nila. Pa-VIP tayo masyado..." hatak niya rito na pilit na tinatagan at siniglahan ang tinig.

Hindi pa rin niya mawari ang sarili kahit anong gawin niya. Ang sabi, "Time heals all wounds," pero bakit tila wala iyong epekto sa kanya? How could he escape from that nightmare of his life?

The Shadow Of Your SmileWhere stories live. Discover now