Chapter 10

5 3 0
                                    

IPINAALAM ni Yna kay Charles ang naging alitan nilang mag-ina ngunit hindi niya ipinabatid dito kung tungkol saan ang pinagtalunan nila. Nagpasalamat naman siya't hindi iyon naging mapilit pa at inihatid na lamang siya sa hotel na tinutuluyan.

Sa muling pagkikita nila'y nakapanatagan na niya iyon kaagad ng loob. She's like a broher to her. Totoo naman dahil he's three years ahead of her. Bumalik nga kaya ito dahil sa ipinangako nito sa kanya noon? How horrible! Seryoso nga kaya ito? Ibinaon na nga niyang lahat sa limot ang mga pangyayaring iyon eh!

Naging mahaba-haba rin ang usapan nila nang maisipan na nitong umuwi. Ang sarap nitong kausap, gumaan pakiramdam niya, na-miss niya tuloy ang kuya Jeff niya. Sana naroroon ang kuya Jeff niya nang sa gayo'y mayapos niya ito at maging balikat ngayon. Hindi niya tuloy napigilang mapabuntong-hininga.

"If you need somebody else to talk with... I'm always here Yna..." pahayag ni Charles sabay halik sa kanyang noo na siyang ikinalambot ng kanyang tuhod. Pagkatapos ay waring bula ito na bigla na lamang nawala. Naiwan siyang nakatingin sa kawalan.

NAG-INIT ang magkabilang tainga ni Maycee sa mga pangaral na ipinataw sa kanya ni Chris. Ano pa nga ba ang topic, si Yna na naman! Talagang wala na nga siyang kawala lalo pa't alam na rin ni Chris ang pagdadalantao nito. Paano nga naman kasi niyang aakuin ang isang responsibilidad kung wala naman siyang damdamin inuukol sa babae.

"Fool yourself Maycee! Your head says no but your heart says yes!" kontra ng kanyang konsensya.

Nahulog siya sa malalim na pag-iisip sa sinabing iyon ng kanyang konsensya. Pagkatapos ng pagtatapat sa kanya ni Yna ng tunay nitong nararamdaman sa kanya ay lagi na siyang binabagabag ng kanyang konsensya. Hindi naman niya kailanman maipagkakaila ang kakaibang nararamdaman niya para kay Yna sa simula pa lamang ng pagkukrus ng landas nila. Actually, he's half aware of what happened between him and Yna on that promising night they've shared.

He knew to himself that there's a special place for Yna in his heart but he just can't admit that fact. He's not yet ready.

"Ano ka ba naman Michael! Hindi pa ba sapat ang labing-isang taon!" panenermon pa ng kanyang konsensya.

"It's still not enough..." tugon niya.

"Face your life! Move on! Panahon na para bigyan mo muli ng kulay ang buhay pag-ibig mo... Kaya nga ang buhay ay parang gulong, hindi ba? Minsan nasa ibabaw ka at kung minsan nama'y nasa ilalim ka... Pana-panahon lang iyan!"

Isang marahas na buntong-hininga lamang ang siyang naging sagot niya sa mga iyon.

NAKARAMDAM si Maycee ng pag-aalala para kay Yna nang mapag-alamang pinalayas ito ng sariling ina. Nanggaling ang balitang iyon kay Chris, kanino pa nga ba? He felt guilt. Kinuha niya mula sa kaibigan ang kinaroroonan nito at syempre, dumaan siya mula sa matatalim na tingin ni Chris. Binilinan siya nito na huwag na huwag nang pasasakitan ang babae lalo pa't makasasama iyon sa sitwasyon nito.

Will he now willing to face his responsibility? Gagawin niya ba iyon dahil inaamin niyang nahulog na rin ang loob niya sa dalaga o di kaya nama'y dahil lamang sa kapakanan ng bata?

Imbes na isipin ang mga katanungang iyon ay pinili niyang tumuloy sa patutunguhan, mamaya pa'y magbago ang kanyang isip.

MABILIS ang naging pag-aksyon ng mga cells ni Maycee sa katawan nang matanaw ng dalawang mga mata ang lalaking kasama ni Yna. Naningkit ang kanyang mga mata at napatiim-bagang sa nakikitang saya sa dalaga sa piling ng lalaking iyon. Bakit pakiramdam niya pinagtataksilan siya nito?

Naipilig niya ang ulo sabay napamura ng malutong. Gusto na niyang tumakbo ngunit may hangarin pa rin ang pusong matyagan ang kilos at galaw ng mga ito. Naging maingat siya at nag-spy sa dalawa.

The Shadow Of Your SmileWhere stories live. Discover now