Chapter 6

3 3 0
                                    

DINAMPOT ni Maycee ang batong nasa kanyang tabi saka iyon inihagis sa payapang dagat. Tila anino sa kanyang gunita ang babaeng kinaiinisan niya, ang ngiti nitong hindi mapalis sa mapupula nitong labi, ang mga nangungusap nitong mata at ang mala-rosas nitong mga pisngi.

Kanina pa siya hindi mapakali, tuliro ang kanyang isipan. Iyon na rin ang dahilan kung bakit hindi siya gaanong nakikisali sa usapan kanina na hindi naman pang-karaniwan. Kilala kasi siya na talagang sisingit at sisingit sa usapan. Nakakapanibago! Wala ang isip niya roon kaya minabuti na niyang lisanin ang mga iyon at taluntunin na lamang ang dalampasigan na wari'y hinihintay naman ang kanyang pagdating.

Napahiga na lamang siya sa buhanginan dala ng malalim na pag-iisip. Ninamnam niya ang dalisay na hangin na nagmumula sa karagatan. Naipikit na rin niya ang mga mata saka dinama ang tila musikang paghalik ng alon sa pangpang.

"Kay sarap talagang panuorin ng paglubog ng araw..."

Bigla'y napakislot siya nang marinig ang malamyos na tinig na iyon. Mapagbiro talaga ang kapalaran, pinaglalaruan nga yatang talaga siya! Kapag nga naman! Biglang bangon siya at handa nang banatan ng mga salita ang babaeng nangunsyami ng pananahimik niya ngunit bago pa iyon magawa ay napatda siya sa kinauupuan niya. Napipi siya at hindi na makagalaw.What a lovely scene! Perpekto ang anggulo nito na nakatayo sa kanyang tabi at nakatunghay sa papalubog na araw.

Ang lagpas beywang na buhok nito'y sumasabay sa pagaspas ng hangin. Ang sarap kunan ng litrato. May pictorial ba? Paano niya ba maaatim na pagsalitaan siya ng masakit sa ganoong ayos? Naka-drugs yata siya? Nakakaadik!

"Others signify sunset as loneliness, but for me, as if I were looking through the gates of heaven...Ikaw?" baling ng babae sa kanya.

"Even the most beautiful days eventually have their sunsets." Seryosong balik-sagot naman niya, in a baritone voice. Ang mga salitang binitiwan ay kusa na lamang lumabas sa kanyang bibig. Iyan tuloy, nalimtan niya ang ginagampanang katauhan!

Gustuhin man niyang kantiyawan ang babae'y hindi niya magawa. Sa loob ng labing-isang taon, ngayon niya lamang muling naramdaman ang kakaibang damdaming nag-ibayo sa kanyang dibdib.

"Maycee, can we talk?"

Napatikhim muna siya upang maibalik ang dating boses. Then the show begins. Bibigyan na naman niya ng kalbaryo ang babae. "Hindi pa ba tayo nag-uusap?"

"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin naniniwala?"

"Obviously NOT."

"Didn't I prove it yet? The wedding is over, right? May nagawa na naman ba 'kong mali?" sunud-sunod na tanong nito.

"Wala pa naman, sa ngayon! Malay ko ba kung may maitim kang balak? Mamaya niya'y nagbabait-baitan ka lang pagkatapos pala'y saka ka maghahasik ng lagim mo at sisirain ang pamilya nila. Nabisto ba kita?"

Manghang-mangha si Yna sa mga narinig niya. Ganoon na ba talaga ang tingin niya sa'kin? "Can't we be friends?" naisatinig niya. Halos lunukin ko na ang pride ko sa'yo baklita ka!

"Maybe in your dreams! Saka, sinusundan mo ba kong talaga?" paanas na sagot niya rito.

"For your information, I'm not following you! May magagawa ka ba kung dito ako pinadpad ng mga paa ko?" pagsalubong nito sa timbre ng boses niya.

"E bakit hindi mo aminin na gusto mo makuha ang loob ko para masagawa ang plano mo?! Ito lang ang sisiguraduhin ko sa'yo, wala pa rin sa'yo ang huling halakhak!" Asik niya.

"I don't have any plans such like that! I just wanted to clear my name, stop this issue and be friends with you. Is there anything wrong with that?"

The Shadow Of Your SmileWhere stories live. Discover now