Chapter 2

11 3 0
                                    

KAPWA napalingon sina Maycee at Yna nang maulinigan ang tinig ni Trish. Iyon ang naging hudyat upang mahinto sila mula sa pagbabangayan. Nainis naman si Maycee sa pagsingit sa eksena ng kaibigan, hindi tuloy niya napakita ang bangis niya sa babae. Pasalamat kang babae ka, nakaligtas ka pa! Napahalukipkip na lamang siya sabay taas ng isang kilay at pagkuwa'y bumaling kay Trish.

"May asungot kasing dumating eh!" asar na saad niya sa kaibigan.

Umalpas ang natutulog na galit sa katawan ni Yna nang mga sandaling iyon. Malapit na siyang masagad ng baklitang iyon pero pilit pa rin niyang kinalmado ang sarili dahil hindi naman niya intensyong gumawa ng eskandalo.

"Gusto lang naman talaga kita makausap Trish... For a friendship approach, nothing else..." turan nito.

"Sinusungkit mo ba ang best actress slot?" pagtataray pa rin ni Maycee.

"Maycee! Stop your childish act... She just only wanted to talk with me, so what's wrong with it?" suway ni Trish sa kanya.

"Ikaw ang bahala kung magpapaniwala ka sa mga ganyang tao... Hindi ako basta-basta paloloko sa mabulaklak niyang dila..." angil pa rin niya sabay layas.

Napapailing na lamang si Trish sa inasal ng kaibigan. Agad niyang binalingan ang bisita at humungi ng paumanhin. "Pagpasensyahan mo na si Maycee ah... Minsan talaga, may pagkasaltik ang bruhildang iyon..."

"It's okay..." pilit nitong pinasilay ang ngiti sa labi.

"Siguro sa loob na tayo mag-usap... Halika, pasok ka..." paunlak niya.

"Thanks."

Nang makapasok na sa kabahayan ay agad na nahagip ng kanyang mga mata ang sanggol na mapayapang nakahiga sa kuna. Aliw na aliw siya sa tuwing makakakita ng baby. It is because in their house, she's been treated like a baby. Dalawa lang silang magkapatid at siya ang bunso, that's why she wanted to experience to be the eldest and be the one to protect her younger brother or sister.

"Sa aktuwasyon mo, halatang mahilig ka sa mga bata..." nakangiting puna ni Trish dito.

"Siguro nga... Bunso kasi ako kaya naghahanap ako ng kapatid and because of that, lagi ako ang napupunturya nila. They're always treating me like a baby kahit pa ang tanda-tanda ko na. Kung hindi nga lang matatanda na ang magulang ko, magre-request akong bigyan nila ako ng makakalaro at saka kung..." hindi pa man niya nagagawang matapos ang sinasabi ay agad na naman umaberya si Maycee ng dada.

"Don't even dare to try darling, kawawa sa'yo ang bata..." singit nito. At talagang may kasama pang pagtirik ng mga mata.

Again, she controlled her temper to burst. Besides, she's not asking for his opinion. Si sabat! Hilig sumingit sa usapan nang may usapan!

"Maycee, mapuputol ko na 'yang dila mo eh! Alam mo, mas matutuwa ako kung ipaghahanda mo na lang si Yna nang makakain." ani Trish.

"I will never entertain that woman! Hindi niya ko serbidora!"

"Kung ayaw mo, 'di huwag! Ang dami mo pang satsat and all those becoming offending na. Please have some manners sis!" sagad na ang pasensyang pakiusap nito sa kanya na hindi naman niya inalintana.

"I better up to make my mouth shut and for the two of you to have peace of mind... Just enjoy the show girl..." may pilyong ngiting saad niya saka hinalinhan ng isang pagak na halakhak.

Nasapo na lamang ang ni Trish ang kanyang noo. Hindi niya mawari kung bakit ba iyon nagkakaganoon. Daig pa talaga nito ang isang babae kapag may menstruation! Mabibiyak na ang ulo niya sa sakit.

"Yna, are you okay? I'm really really sorry... I didn't expect this to happen..." pagkuwa'y baling nito sa babae.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang kanyang pinakawalan bago nakasagot, "Hopefully, magbago ang pananaw niya sa'kin... Please believe me, 'di ako naparito para mang-away... I really just wanted to be friends with you. Wala naman na 'kong intensyon pang iba..." sinsero niyang ekplanasyon dito.

The Shadow Of Your SmileWhere stories live. Discover now