Chapter 9

4 3 0
                                    

BANAYAD na hinagod-hagod ni Chris ang likuran ni Yna. Kanina pa kasi panay ang pagduwal niya at alam niyang ipinagtataka na iyon ng kasama. Nagsisimula na kasi ang morning sickness niya.

"Iluwa mo na rin kaya pati bituka mo, grabe! Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Ano bang nakain mo? Ngayon ka pa ba magkakasakit, mamaya na yung event." Naiiling na komento ni Chris.

"Ate Lia...I'm not sick... It's natural..." makahulugang sagot niya.

"Natural pa ba 'yan? Kulang na lang iluwa mo na ang mga organs mo..."

"Ate my kailangan kang malaman..."

That statement stopped Chris. "What do I need to know?"

"Ate Lia, I'm...I'm pregnant..." pagsiwalat niya.

Chris' mouth opened but there's no words coming out. Bakas na bakas dito ang pagkabigla sa ipinahayag niya. "Tama pa ba ang pandinig ko? I think I need a cottonbud..."

"Ate, you heard me right... Buntis ako ate..."

Natutop ni Chris ang bibig. "Who...Who..." usal nito na hindi maituluy-tuloy dahil hindi pa rin makapaniwala sa nalaman.

"Believe it or not..."

"Oh no, si Maycee?" pagdudugtong nito.

Sunud-sunod na tango lamang ang kanyang isinagot sabay ng pagbagsak ng mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

"O-M-G!"

"What should I do ate? Hindi naman niya pananagutan 'to eh!"

"Pambihirang Maycee! Kakausapin ko 'yan!" saad nito na ang hitsura'y animo susugod sa giyera.

"Ate, no need. I think I can handle myself even without him. Kasalanan ko rin naman dahil nagpadala ako sa emosyon ko."

"NO! He's still the father and need to take charge of the responsibility. He can't escape and can't deny the fact that he will be soon a father..."

"Ate, kahit wala siya, I can handle myself... Kaya kong buhayin ng mag-isa ang magiging anak namin..."

"At paano naman ang nararamdaman ng magiging baby niyo once na nagkaroon na siya ng isip... Will you let your child to be bully by others? Makakaya mo bang makita siyang umiiyak? Paano mo ipaliliwanag sa kanya ang tungkol sa Daddy niya? Come to think of it Yna... Will you take the risk?"

"But..."

"No more buts! Akong bahala sa'yo...Gusto mo bang magkaroon ng wasak na pamilya ang magiging baby mo?"

"Ayoko kaya lang..."

"Stop! Doon nagtatapos ang usapan natin..."

"Anyways... Thank you ate..." bukal na pasasalamat niya sabay yakap dito.

"Don't mention it... Pababayaan ba naman kita? Kahit pa sabihing matagal na ang pinagsamahan namin ni Mike, kung siya ang may mali... Aba, hindi ko siya kukunsintihin 'no!"

Nangingiti na lamang siya sa mga naging pahayag nito.

"Anak ng tipaklong, naunahan niyo pa kami!" natatawang saad pa ni Chris.

"Ate naman oh!"

"ELLA anak, may nahulog ka," tukoy ng Mommy ni Yna sa kapirasong papel na nalaglag sa sahig na mula sa hinablot niyang journal. Her Mom used to call her 'Ella', shortened for Yna Mikaella.

Bago pa man niya makuha ang sinasabi ng ina'y, naunahan na siya nitong pulutin ang bagay na iyon. Bigla'y napakunot ang kanyang noo nang makita ang di-mawaring reaksyon ng ina.

The Shadow Of Your SmileWhere stories live. Discover now