Chapter 4

4 3 0
                                    

"HOW I wish I could really tell you how much you mean to me, but I'm afraid to love, scared to get hurt... I hope that you will wait for me and pray that you will not get tired of loving me..." ani Yna sa kanya.

"I understand Yna... If you're ready, I assure you that I'm still there waiting for you... What important now, nasabi ko na ang matagal ko nang nararamdaman para sa'yo... Whatever happens, mamahalin pa rin kita nang buong-buo..." sinserong tugon niya at pagdaka'y umupo na sila.

"Thank you Mike..." she said, in tears. He wiped her tears and whisphered upon her ears, "Please don't cry, it's hurts me more..."

Tutok ang lahat sa Emcee na nasa tanghalan. Sa wakas ay idedeklara na nito kung sino ang tatanghaling Prom Queen at Prom King. Ang pinapangarap ng lahat...

"I'm very happy to award the chosen Prom Queen and King of the Night. I have no more doubts with this couple. Napansin naman siguro ng lahat ang sweetness nila while dancing in the middle of the floor... Iba ang kilig factor niyo guys... Whom I'm referring to are Ms. Yna Veroza and Mr. Michael Soriano... Congratulations!"

Namilog ang mga mata niya nang iproklamang silang dalawa ni Yna ang siyang nagkami ng slot na iyon. He never expected! Napasulyap pa siya sa gawi ng dalaga at nagulat siyang nakatingin na rin pala iyon sa kanya. Smiling eyes!

Magkasabay at magkahawak kamay nilang binagtas ang stage para abutin ang parangal sa kanila.

"Ano ang request ng lahat? Make it louder!"pahayag ng Emcee. "Another promising dance ba? Kiss? Naku, huwag naman 'yun... Yari tayo kay principal!" pagpapatawa nito.

Pinagbigyan nila ang hiling ng mga ito. Muli silang sumayaw, sa pntong iyon ay kasama na ang lahat. Kung sino ang gusto sumali, go!

"Pwede bang ako na lang ang maghatid sa'yo? Please..." samo niya.

"Okay." she smiled, lovingly.

"Thank you."

BAGO tuluyang makapasok na ang dalaga sa loob ng kabahayan ay naglakas-loob na siyang ibigay dito ang isang munting regalo. A gift from the heart.

"I have something to give you nga pala... Not so expensive but somehow I'm hoping na magugustuhan mo..." turan niya sabay abot dito ng isang parihabang kahon.

"Ito lang po ang gusto kong klaruhin Mike... Hindi ako mapiling babae, I'm not after the price, I'm after your effort..." sagot nito na pinisil pa ang kanyang palad.

"Hindi talaga ko nagkamali ng pagkakakilala sa'yo... You're having such a nice personality. Kaya mas lalo kitang minamahal eh... You're priceless..." makatotohanang pahayag niya.

"Wow! Tama na ang bola baka masyado na kong maniwala niyan... Anyways, may I open it now?" sabik na tanong nito.

"Sure..." sangayon naman niya.

She opened it slowly for suspense. Nang tuluyang buksan na niya iyon, bumulaga sa kanya ang isang silver necklace na may heart pendant. It's her first time to received a necklace except her parents. She appreciates it, so much!

"Thank you so much..." napayakap na nitong wika sa lalaki.

Sa ikinilos ng babae ay mas lalong nanlambot ang kanyang tuhod. Tila anumang oras ay bibigay na iyon. Nag-uumapaw ang kaligayahan niya dahil nagustuhan nito ang mumunti niyang regalo. Iyon ang na rin ang nagtulak para iyakap na rin ang mga braso dito.

"Happy Valentines Day!" bati niya rito nang kumalas na iyon sa pagkakayakap sa kanya.

"You made my night a fairytale Mike... Thank you and happy hearts day!" taos-pusong pasasalamat nito at maya-maya pa'y ikinabigla niya ang naging sunod nitong hakbang. Mabilis iyong humalik sa kanyang pisngi at pagkatapos ay sibad ng pasok ng bahay.

The Shadow Of Your SmileWhere stories live. Discover now