GUSTONG sumbatan ni Michael si Yna for committing such crime. Pero, masisisi nga ba niya iyon? Gumuhong bigla ang mundo at pag-asa niya. Iyon na marahil ang karma niya sa sugat na dinulot niya sa puso ng babaeng walang ibang ginawa kun'di ang pakamahalin siya.
"Mukhang may bisita ka yata, hon..." biglang sungaw ng isang boses na siya namang nagpadilim ng kanyang mga paningin.
"Unexpected visitor hon... Anyways, I would like you to meet Michael..." she introduced.
"Nice meeting you brad..." sabay lahad ng kamay na alanganin naman kung tatanggapin niya o hindi.
He didn't want to initiate any conflict kaya tinanggap niya ang mainit na kamay nito. "Same here pare..."
Nagtagisan sila ng tingin at natinag lamang sila nang tumikhim si Yna.
"Guys, I badly needed to go...Sumaglit lang naman ako eh! Thanks by the way Yna..." nasabi na lamang niya. Bigla'y napadako ang tingin niya sa palasingsingan ng dalaga at napalunok siya ng makakita mula roon ng isang brilliant ring. Isa lamang ang ibig sabihin niyon kaya walang alinlangang isinatinig niya ang nasa isip. "Best wishes!"
"TITA LARA?" kunot-noong tanong ni Maycee sa babaeng nakabanggaan. He's referring to Yna's mother. Kung ilang taon na rin ang pagkamatay ng babaeng minahal niya ng lubos ay ganoon na rin katagal niya ito hindi nakita. Palibhasa kasi'y tumulak na ito ng Amerika.
Sa sobrang pamimighati ng kanyang puso'y naisipan niyang dumaan sa puntod ni Yna. Sa Laguna pa iyon pero hindi niya inalintana ang ilang kilometrong layo nito buhat sa kanila. Balak nga niyang magpatila muna roon kahit ilang araw.
"Do I know you, hijo?" takang tanong nito.
"Michael Soriano po... Naaalala niyo pa po ba?"
"Mike! It's nice to see you again... How's life?" nakangiting anito saka siya iginiya na maupo sa isang bench.
"Still longing for Yna Tita...Kayo po kamusta?" pilit ang ngiting pahayag nito ngunit mababakas naman sa kanyang anyo ang kalungkutan.
"Nakaraos naman sa malagim na insidente na iyon ng buhay namin kaya dapat sana ikaw din... You're 27 na 'diba? So, are you married?" usisa nito na ikinasamid naman niya. "Don't tell me na hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakapag-settle down hijo..."
Umiling siya.
"Hmmm... Girlfriend?"
Muli siyang umiling. "Maybe she's really been destined to be my only love..."
"Hijo naman...Baka naman kasi hindi mo pinapasok na ang pag-ibig sa puso mo simula ng mamatay ang anghel ko... Feel love again Mike. Mas ikatutuwa iyon ni Yna..."
"Eh malas po talaga sa pag-ibig eh! May minahal po ako kaso...she'll be married one of these days." Pagtatapat niya.
Tinapik siya nito, "Huwag ka mawalan ng pag-asa Mike... You're reserve for the one who deserve."
"Kayo talaga tita... Baka nga po kamalasan ang abutin ng magmamahal sa'kin eh! Mabuti po pala't nagpang-abot po tayo ngayon after a long long time..."
"Pansin ko nga rin na hindi tayo nag-aabot sa tuwing bumibisita kami dito. Actually, twice a year lang kami kung umuwi. Tatlo lang naman ang rason kung bakit umuuwi-uwi kami kahit pa'no..."
"Si Yna po ang first... Hulaan ko po ang second...Hmmm, 'yung house niyo pong naiwan dito... Ang pangatlo po?"
"Nice guess! The third one is a beautiful lady to whom Yna's heart been donated."
"Po?" manghang tanong niya. "You mean tita..."
"Yes hijo... Hindi ko pala nasabi sa'yo...Kaya 'till now ay patuloy pa rin siyang nabubuhay..."
YOU ARE READING
The Shadow Of Your Smile
Teen FictionSabi nga nila Love is Blind alang pinipili ang pagibig everything doesn't matter nga kase! It's just about lang sa friend kong ang pagkakaalam ng lahat na isang gay pero di nila alam may minamahal pala sya haha. Sabi nga kase ," Don't judge the Boo...