Chapter 5

24K 889 77
                                    


Hindi ako nakatulog buong magdamag kahit sobra akong pagod. Ayaw tumigil ng utak ko sa kakaisip sa mga nangyari sa bar at sa natuklasan ko tungkol kay Grace.

Kaya ngayon para akong zombie na hindi nakatulog ng isang libong taon at ang pinakamalala pa ay late na ako sa trabaho. Halos paliparin ko na nga ang kotse ko pero hindi parin umabot sa oras.  Siguradong sasabunin ako nito ng masungit kong boss.

Dinaig ko pa si Usain Bolt sa bilis ng aking pagtakbo papuntang elevator. "Hold it for me please," sigaw ko bago tuluyang mag sara ang pintuan. Mabuti nalang may mabait na tao na nagbukas ng elevator para sakin. Pagpasok ko sa loob ay parang naumid ang aking dila ng makita si Grace.  "Thanks,"

Hindi kumibo si Grace. Teka bakit kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa elevator? Usually pag ganitong oras nagsisiksikan ang mga empleyado dito..

Ilang segundo palang kaming nakasakay pero pakiramdam ko napakatagal at bagal ng oras.

"I want to thank you about last night," narinig kong bulong ni Grace na hindi kumukurap ang mga mata habang daretsong nakatingin sakanyang reflection sa salamin ng elevator.

"No problem," napasulyap ako kay Grace. Neat na neat ang pagkakapony tail ng kanyang buhok, walang make up at sopistikada ng kanyang pananamit walang kalukot lukot.

Nakita kong gumalaw ang labi ni Grace pero hindi na nya itinuloy ang kanyang sasabihin ng may biglang pumasok. Halos matumba ako sa paggigitgitan ng mga tao pero naramdaman ko ang braso ni Grace na pumaikot sa aking bewang para suportahan ang balanse ko.

Hindi ko alam kung bakit nagtayuan ang mga balahibo ko simula ulo hanggang paa at bumilis ang tibok ng aking puso. Sa lakas nga nito natatakot akong marinig ito ni Grace.

Nakahinga ako ng maayos ng malalabas na kami ng elevator. Kinalman ko muna ang aking sarili bago sumunod kay Grace pero bago pa ako makapag lakad ay narinig ko si Gwen na tinatawag ang aking pangalan.

"Sam!" kumaway pa sya sakin. As usual, kumakain nanaman sya. "Kamusta?" tanong nito ng makalapit ako sakanya.

"Okay naman, ikaw kamusta? Hindi na kita nakita kahapon,"

"Kasama ko yung iba nating katrabaho dahil nagpakain si Sir. Paulo after ng Marathon. Hinahanap ko nga rin kayo ni Maam Grace e," isinubo ni Gwen ang cookies sakanyang bibig.

"Pero nakita namin si Paulo dito kahapon," nagtataka kong sabi. Tila naguluhan din si gwen. "Anyway, I have to go now baka sermon ang abutin ko kay Grace,"

Tumango tango si Gwen. "Let's have a lunch together para makilala mo rin yung iba nating katrabaho,"

"Sure why not," at naglakad na ako palayo. "Bye," 

"Good luck sa laban!" natatawang sabi ni Gwen sakin. Well, hindi ko sya masisisi dahil alam nya kung gaano kademanding maging boss si Grace at mabuti nalang nagsuot ako ng flat doll shoe ngayong araw dahil sigurado akong papagurin nanaman ako nito kakautos.

Wala si Grace pag pasok ko sa office, gusto ko sanang kalikutin ulit ang drawer nya para malaman kung ano yung folder na may level na confidential pero ayaw kong magbaka sakali lalo pa at kakahuli nya lang sakin kahapon.

At isa pa may kailangan p akong bantayan na tao lingid kay Grace, yun ay si Paulo. Hindi kaya magkasabwat silang dalawa?

"Where is Grace?" bungad na tanong ni Paulo sakin, hindi ko man lang naramdaman o narinig na bunukas ang pintuan. "Is she here?"

"Oo, lumabas lang saglit," yan nalang ang sinabi ko kahit na hindi ko talaga alam kung saan nagpunta si Grace.

Lumapit si Paulo sa lamesa ko habang inaayos ang kanyang suot na kurbata. "Anyway, Sam. Pasensya ka na pala kahapon,"

The Undercover Heiress (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon