Chapter 15

23.7K 916 103
                                    

Gumalaw ang aking kamay na parang nagsasayaw, guhit dito at guhit doon habang walang kakurap kurap kong pinagmamasdan si Grace na nakatayo sa gitna ng opisina habang inaayos nya ang kanyang gamit.

"Sam pwede-" humarap sakin si Grace at napatingin sa papel sa aking harapan. Lumapit sya. "Wow. Ang galing! Hindi ko alam na magaling ka sa pagdadrawing. Pwedeng pwede kang maging fashion designer," kung alam ni Grace ang totoo. "Bakit hindi mo ipursue to?"

"I am," maikli kong sagot. Baka kasi pag ibinuka ko pa ang bibig ko e may masabi pa akong hindi dapat. "Are you ready?" tumayo ako at kinuha ang aking gamit. "Tayo nalang ata ang tao dito,"

Magkahawak kamay kami ni Grace na pumasok sa loob ng elevator since wala nang tao sa opisina lingid samin. Kahit pagod ako sa maghapon dahil sa trabaho at sa nangyari sa pagitan namin ni Paulo ay naging masaya parin ako dahil kasama ko si Grace. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili na wag munang mainlove sakanya dahil hindi pa tamang panahon at hindi tapos ang misyon ko dito sa kumpanya pero hindi ko magawa.

Grace is too beautiful and lovely to handle. Nasa kanya ang lahat ng gusto ko sa isang babae kahit saksakan pa sya ng taray.

Pero bago pa man sumara ang pintuan ay biglang sumulpot si Paulo at tumabi kay Grace. "Ngayon ka lang uuwi Grace?" nakangiting tanong ni Paulo.

"Oo. May tinapos pa kami ni Sam para bukas ay wala ng gagawin before the party," pilit na ngiting sagot ni Grace at sumulyap sakin.

"Speaking of the party," anang ni Paulo at nangtaka nitong aakbayan si Grace ay pinalo ko braso nya. "Aray!" masamang tingin ang binigay nya sakin. "Bakit mo ginawa yon?"

"May lamok," katwiran ko. "Pasalamat ka nga pinatay ko pa e,"

Tinignan ni Paulo ang braso nya. "Wala namang lamok,"

"Ah Sam," singit ni Grace. "May susuotin ka na ba para sa party?" pagiiba nito sa usapan.

Wala ako ni isang gown or dress dito sa Pilipinas na pwedeng isuot sa mga importanteng okasyon. Kung nalaman ko lang ng mas maaga na may gaganaping party edi sana nakapaghanda ako, nakagawa ako ng gown para kay Grace at sa sarili ko. Sa totoo lang, gustong gusto kong gawan si Grace ng mga damit dahil sigurado ako na lalo syang gaganda.

"Wala pa," pagsasabi ko ng totoo. "Ikaw ba?"

Sabay sabay kaming lumabas ng elevator nang bumukas ang pintuan. Bigla akong napatingin kay Grace nang walang pagaalinlangan nyang ikinawit ang braso nya sa akin. Teka baka nabibigla sya? Dahil kahit kailan hindi nagpapakita ng kahit anong affection si Grace sa iba. Pero lahat ng tanong sa isip ko ay nilipad ng hangin nang ngumiti sya sakin. 

"Wala parin," sagot ni Grace habang naglalakad kami palabas ng building. "Gusto mo bang maghanap sa mall bukas? Baka may magustuhan tayo,"

Bigla akong nakaramdaman ng excitement. "You and me?"

"Oo," matatawang sagot ni Grace. Naramdaman ko ang daliri nya na naglalaro sa aking palad na nagpatayo sa balahibo ko mula ulo hanggang paa. "Maghalf day tayo,"

"Gusto nyo bang samahan ko na kayo?" alok ni Paulo.

"Wag na pangpagulo ka lang," bulong ko.

"Ano?" nakunot ang noo na tanong ni Paulo. Sasagot pa sana ako pero naramdaman ko pagpisil ni Grace sa kamay ko. "Ano Grace? Gusto mo ba samahan ko kayo?"

"Hmm. No Paulo. Mas kailangan ka dito," malumanay na sagot ni Grace. Sinikap nyang wag maoffend si Paulo. "And beside it is a girls bonding,"

"Ganon ba," halata sa boses ni Paulo ang pagkadismaya. "Okay sige," pagsuko nito.

The Undercover Heiress (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon