Chapter 17

24.7K 1K 208
                                    

"Teka nga Sam!" awat ni Grace sakin habang pilit nyang hinihila ang kanyang kamay pero lalo lamang humigipit ang pagkakahawak ko sakanya. "Ano ba nasasaktan ako!"

"I will let you go later, " galit na saway ko sakanya habang tinutulak ko ang mga taong nakaharang sa aking harapan at wala akong pakialam kung pinagtitinginan kami. Padabog kong binuksan ang pintuan ng restroom at pinasok si Grace sa loob ng isa sa mga cubicle. Mabuti nalang at walang tao sa mga oras na ito.

"Nababaliw ka na ba Sam! Baka may makakita satin dito!" natatarantang sabi ni Grace. Hinarangan ko ang pintuan para hindi sya makalabas.

"Shut up," inis na bulong ko kay Grace. Bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha ng marinig nya ang tinuran ko. All this time I have been really gentle with Grace kaya hindi ko sya masisi kong nakaramdam sya ng disappointment sakin. Walang salita ko syang siniil ng isang marahas na halik at alam kong nasasaktan sya sa ginawa ko pero hindi ako masyadong makapag isip ng maayos dahil sa pinagsamang inis at galit ko para kay Paulo.

"S-sam..." impit ni Grace pero imbis na tumigil ay itinulak ko sya sa pader at humigpit ang pagkakahawak ko sakanyang balikat. "Sa-"

Hinalikan ko sya mula sakanyang leeg pababa sa balikat pero bago pa ako tuluyang lamunin ng galit at pagnanasa ay naramdaman kong may kung anong pumatak sa aking pisngi.

Nanlambot ang mga tuhod ko ng makita ang mga luha sa pisngi ni Grace. Umatras ako at nagsisisi sa nagawa ko sakanya. What did I do?

"Oh gosh, I'm really sorry," nanginginig ang aking kamay na inalis ko ang suot na maskara ni Grace. Basang basa ng luha ang napakaganda nyang mukha. "Hindi ko sinasadya," hindi sya kumikibo at nagpatuloy lang sa pag iyak. "Grace, I'm sorry..." Hinayaan nya lang akong yakapin sya at umiiyak sa aking dibdib. "I'm so stupid. Please forgive me,"

Binigyan ko ng oras si Grace na huminga at kumalma. Sa totoo lang, nadurog ang puso ko na makita ko syang umiyak. Masyado akong nagpakain sa nararamdaman kong galit at muntikan ko ng magawan ng hindi maganda si Grace.

Inalalayan ko si Grace na lumabas ng restroom at lumasbas ng hotel. Masyadong ng puno at mainit kaya mas mainam na dito muna kami sa labas para huminga at syempre magusap. Pero ilang minuto na kami dito nakaupo ay wala parin ni isang salita na lumalabas sa bibig ni Grace. Nagaalala ako baka kasi galit sya at mag iba na ang pagtingin nya sakin.

"I know you are mad at me," bulong ko sa hangin pero alam kong dinig nya ito at walang salita kong hinawakan ang kamay ni Grace, hindi naman sya pumalag at pakiramdam ko nga mas nakalma pa sya. "Pleas--"

"Hindi ako galit Sam," buntong hininga ni Grace. "It was not you.. I was just.." naguguluhang sumulyap sya sakin. "Shock," napahigpit ng kapit nya sa kamay ko. "Hindi ko na alam gagawin ko kay Paulo,"

Nagkiskis ang mga ngipin ko dahil sa galit kay Paulo. Hindi ko mapapatawad ang lalaki na yon sa ginawa nya kay Grace. Kung magagawa lang sana agad ni B1 yung favor na hinihingin ko sakanya siguradong mas mapapadali ang pagpoprotekta ko kay Grace.

"Gusto mo bang ireklamo sya sa management? Pwede syang mapatawan ng punishment dahil sa ginawa nya sayo,"

"I don't know Sam," nalilitong sagot ni Grace at humarap sya sakin.

"You have to do it Grace baka mamaya kung ano pa ang magawa nya sayo!"

Ang hirap ng sitwasyon ko, hindi ko masabi kay Grace ang totoo na sinusundan at iniistalk sya ni Paulo kahit nasa loob pa sya ng bahay. Kakausapin ko mamaya si B2 at pababantayan si Grace. Ito lang ang kaya kong ibigay na suporta sakanya hanggat hindi natatapos ang problema sa kumapanya.

"Hmm.." napakunot ang noo ni Grace at nagisip sya ng malalim. Hinaplos ko ang kanyang pisngin ng buong giliw at pagsinta. "Ikaw lang ang kailangan ko,"

The Undercover Heiress (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon