Chapter 18

27.3K 845 249
                                    


Nagising ako dahil sa walang tigil na katok sa pintuan ng aking kwarto.  Pilit kong binabaliwala ang ingay pero palakas ng palakas lang ito lalo. Inis akong bumangon at halos lumipad ang pinto ng binuksan ko ito.

"Sam kanina pa kita ginigising!" nakakunot na bungad sakin ni Megan.

"What are you doing here? Hindi ba dapat ay nasa France ka?" pagtataka ko na tanong.

Tinulak ako ni Megan at naupo sya sa aking kama. "Well cousin, I personaly came here to tell you na may  interview ka sa isang famous magazine sa France," sobrang sayang anunsyo ng pinsan ko, halos mapunit ang mukha nya sa pagkakangiti.

Sinarado ko ang pintuan at sinuot ang robe ko. "Megan alam mo naman na hindi pa ako pwedeng umuwi sa France. May tinatapos pa ako dito na importanteng bagay,"

"I know Samantha," sagot ni Megan habang isinuklak ang malakandila nya na daliri sa kanyang habang buhok. "Kaya dinala ko sila dito,"

"What?"

"Kasama ko sila at naghihintay sa baba," eleganteng tumayo ni Megan. "Kaya magbihis ka na para maaga tayong makatapos,"

"Bakit hindi mo sinabi sakin na pupunta kayo ngayon?" medyo inis kong tanong. "Hindi man lang ako nakapaghanda,"

"Well Sam. I was calling you yesterday pero hindi ka sumasagot," naglakad si Megan papunta sa pintuan. "Hindi mo kailangang magsuot ng bonggang gown kasi formal interview lang naman ito at saka kahit sako lang ang suotin mo maganda ka parin," hindi na ako nakasagot ng umalis na si Megan.

Wala na akong nagawa kundi ang maligo at magbihis. Ginawa kong presentable ang sarili ko para hindi naman nakakahiya sa press na aking  haharapin.
 

Napakalaking ngiti ang binigay ko sa mga taong naghihintay sakin sa living room. Aaminin ko na medyo overwhelming sa pakiramdam dahil sa wakas ay nakilala narin ng mga tao ang clothing brand na pinaghirapan ko ng ilang taon.

"Bonjour," bati ko sa mga bisita. "Take a seat please," may mga pagkain narin kaya nakampante na ako inasikaso na sila ng mga kasambahay.

"Merci beaucoup," pasasalamat ng babae. "I'm Amandine Roux. Editor of Elle Magazine and they are my team,"

At nagumpisa ang interview, may mga madadali at mahihirap na tanong tungkol sa personal kong buhay pero naging okay naman ang lahat lalo na sa pagpapaliwanag ko sa bawat detalye ng clothing line.

"Merci pour votre temps Ms. Imperial," masayang sabi ng editor sakin at kinamayan ako. "À tout à l'heure,"

"De rien. À la prochaine," pinisil ko ang kamay nya. "Ciao," at umalis na sila kasama si Megan para ihatid sa hotel dahil bukas ng umaga ay aalis din sila.

"Sam!" tawag sakin ni B1 habang umiinom ng kape. "Grabe sikat ka na talaga!"

"Hindi naman masyado," napansin ko na wala si B2. "Wala si B2?"

Kumunot ang noo ni B1. "Sinong b2?"

Napatawa ako ng malakas. Oo nga pla hindi nila alam na B1 at B2 ang binasag ko sakanila. "Well since parehong B ang letra ng pangalan nyo at nalilito ako minsan kung sino si Ben at Benjo," napakamot nalang sa ulo si B1. "Mas madali para sakin ang B1 sayo at B2 kay Benjo,"

The Undercover Heiress (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon