Chapter 10

24.9K 1K 115
                                    


"Hey. Hey!" sigaw ko sa dalawang lalaki na nagmamadaling umalis ng lumabas ako ng restroom mabuti nalang at naiwanan si Grace sa loob para maligo. "Mga chismoso kayo!"

Kakamot kamot sa ulo na humarap sina B1 at B2 sakin. "Sam, trabaho namin to," agad na katwiran ni B1.

"Pati pagsunod sa restroom sa kasama rin sa trabaho nyo?"

"Syempre, baka kasi kung anong gawin sayo ng dragon e," nakakunot ang noo na sagot ni B2.

"Dragon? Si Grace?" hindi ko mapigilang matawa. "Mas matakot kayo sakanya kapag nakita nyo syang nakangiti," bigla akong napahinto. "May kasalanan nga pala kayo sakin," buti nalang naalala ko ang ginawa nila sakin. "Bakit nyo ako binigyan ng alak kagabi?"

Nagkatinginan ang dalawa. "Anong alak? Juice lang yon,"

"Sabi ko sayo pare may halong alak yung binigay ng lalaki satin e," bulong ni B2 sa katabi nya.

Napataas ang kilay ko. "Sinong lalaki ang sinasabi mo?" pag uusisa ko kay B2.

"Yung kausap ng dragon kagabi," sabay na sagot ng dalawa. Iisa lang ang tao na nakakalapit kay Grace maliban sakin at iyon ay si Paulo. "Inalok nya kami makisaya e hindi naman namin alam na may alak yung juice,"

"Diba lahat gagawin nyo for me?" tanong ko sa dalawang lalaki na nakatayo sa harapan ko. Tumango sila. "Good because I want you to do something for me,"

"Sure ano yon?" todo ang pagkakangiti ni B1 habang sinusuklay ng daliri nya ang kanyang buhok.

Medyo lumapit ako ng kaonti sakanilang dalawa para ibulong ang gusto kong sabihin. "Gusto kong sundan nyo si Paulo kahit san sya magpunta!"

"E teka Sam, bakit sya ang susundan namin? Papatayin kami ng Papa mo kapag may nangyari sayong masama!" iiling iling na sagot sakin ni B1.

Umalis kami sa daanan dahil may mga dumating na tao para magpunta sa rest room. "Sundin nyo nalang ako para makatulong naman kayo sakin! Susundan nyo lang si --"

"Sino yung susundan Sam?"

Pakiramdam ko bigla akong nabingi ng marinig namin ang boses ni Grace na nagsalita sa likuran ko. Dahan dahan ako umikot para harapin ito. Nakasuot na si Grace ng jeans at simpleng tshirt.

"Sam?" tawag ulit ni Grace sa pangalan ko. Nataranta kaming tatlo nina B1 at B2 nang maglakad sya palapit.

Hindi nya pwedeng malaman na magkakakilala kaming tatlo. May pagkamadaldal pa naman tong sima B1 at B2 baka ibisto ako ng mga ito at masira ang plano ko.

Desperada na ako at wala ng ibang pumapasok sa aking isip kaya bigla kong inapakan ang paa ni B1 para ito ay mapasigaw at mapatalon sa sakit habang hawak nito ang kanyang paa. "Arayyyy!!"

"Umalis na kayo!" bulong ko kina B1 at B2. Inalalayan ni B2 ang kasama nya at nagmamadali silang umalis palayo. Tumayo si Grace sa aking tabi. "Nagtatanong kung saan ang rest room ng lalaki," inunahan ko na sya bago pa sya magtanong. "Tara na!" at nagmamadali na akong lumakad.

Masayang natapos ang araw naming lahat. Nakakapagod pero worth it naman. Kaya halos lahat kami ay plakda pagkaupo sa bus pabalik ng Maynila.

Hinawakan ko ang kamay ni Grace na abala sa pagtingin sa labas ng bintana. Namumungay na ang kanyang mata dahil sa pinaghalong antok at pagod.

"Do you want to take a nap?" tanong ko sakanya. Kahit na hindi pa kami officially dating or label our relationship ay masaya na ako kung anong meron kami. Sana lang talaga hindi sya ang nagnanakaw sa kumpanya namin dahil sobra sobra akong masasaktan.

The Undercover Heiress (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon