Chapter 16

23.8K 846 79
                                    

"Are you ready Samantha?" tawag ni Mama sa labas ng aking kwarto. Pinagmasdan ko muna ang aking sarili sa life size na salamin bago umikot at kinuha ang aking maskara na Bauta Barocco Gold sa ibabaw ng aking kama. Ngayong gabi na gaganapin ang pinakaaabangan naming party.

Binuksan ko ang pintuan at napahinto ng makita ko si Mama sa labas ng aking kwarto. "Wow you are stunning Mom!" pagsipat ko sa napakaganda kong ina . Kahit nasa 40s na sya ay tila imbis na tumanda ay umuurong ang kanyang edad. Mas nagmumukha syang bata. Baka bukas makalawa e mukhang magkapatid nalang kami.

"Why thank you!" magiliw na sabi ni Mama sakin sabay hawak sa aking braso at naglakad kami pababa. "Napakaganda mo Anak lalo na sa silver," napahinto si Mama sa pagsasalita habang pinagmamasdan ang suot kong gown na binigay nya sakin kagabi dahil wala akong napili para sa sarili ko mabuti pa si Grace. "Gold?"

"Depende sa pagtama ng ilaw, pwede syang maging silver o gold,"

"Ohh.." napakamot nalang si Mama sa kanyang baba. "Are you excited?"

More than excited. I honestly couldn't wait to see Grace tonight. Nakakasigurado akong napakaganda nya lalo ngayong gabi.

"Opo pero medyo kinakabahan ako," pag amin ko. Nagaalala kasi ako paano kapag may nakakilala sakin mamaya kahit pa may suot akong maskara. Siguradong mapupurnada ang lahat ng plano ko.

Hinaplos ni Mama ang braso ko para bigyan ako ng suporta. "Wag kang magalala nandito lamg kami ng Papa mo, hindi ka namin pababayaan,"

And speaking of my father. Ayun at palakad lakad sya habang may kausap sa cellphone sa ibaba pero napahinto at napanganga ng makita nya kami ni Mama.

"Beautiful ladies!" hapuhap ni Papa. Maingat kaming bumaba mula sa hagdan. "I'm sure na kayong dalawa ang pinakamagandang babae ngayong gabi," inilahad ni Papa ang kanyang mga kamay samin ni Mama.

"Thank you," nakangiti kong pasasalamat. "You look marvelous Dad, who have thought that you are in your 50's,"

Iniliyad ni Papa ang kanyang dibdib. "Well Sam," sobrang laki ng pagkakangiti nito. "Yan ang nagagawa ng pagmamahal namin ng Mama mo," at tumingin sya kay Mama. "Right honey?"

Kinurot ni Mama ang tagiliran ni Papa. Napaikot nalang ang mga mata ko. Para silang teenager na naghaharutan sa harapan ko.

"Let's go guys," aya ko sakanila bago pa may mangyari. Sinalubong ako nina B1 at B2 pagkalabas ko ng bahay. Bihis na bihis ang mga ito. "Wow. Ang gagwapo nyo ngayong gabi!"

"Syempre naman. Kami pa ba magpapahuli," nakangisi sagot ni B1 habang pinagbubuksan ako ng pintuan ng limousine.

"Thank you," pasasalamat ko bago ako pumasok sa loob ng sasakyan. Sumunod narin sina Mama at Papa at pinaandar na ni Peter ang sasakyan. May kinuha si Papa na paper bag at inabot sakin. "What is this?"

"Open it," simpleng sagot ni Papa..

Masaya kong binuksan ang paper bag, kinuha ang pulang kahon at inilapag ko sa aking hita. Walang patumpik tumpik na binuksan ko ang kahon at tumambad sakin ang maskara na pinalilibutan ng maliliit na diamante.

"Oh gosh," nakapanganga ako kina Mama at Papa. "This is really beautiful!!"

"Indeed," sang ayon ni Mama. "We ordered it from Copenhagen for you,"

"Aw Mom," niyakap ko si Mama ng mahigpit. "Thank you so much,"

"Anything for you," hinalikan ni Mama ang aking noo. Huminto ang limousine sa harap ng isang hotel at kahit sa labas palang ay kita ang pagkaengrade ng party. Nakaparada ang mga sasakyan, may mga media at police na naghihintay sa labas.

The Undercover Heiress (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon