Chapter 24

19.3K 830 162
                                    


Sam

This past few days had been really difficult for me. My heart is aching kapag naaalala ko si Grace and it took me a lot of power para pigilan ang sarili ko na wag syang puntahan sa trabaho o bahay.

Naging malinaw na kasi para sakin yung gusto nyang mangyari at kahit masakit ay ginawa ko ang gusto nya. May magagawa ba ako kung ayaw nya sakin, tao lang ako, napapagod din.

"Ayus na lahat ng papeles Sam." Anunsyo ni Laura. Kung natatanda nyo si Laura ang company lawyer namin at nagsisilbi kong personal adviser. "2.4 Million." Inilapag ni Laura ang kontrata ng binili kong lote para sa pagtatayuan ng first ever botique ko dito sa Pilipinas.

"Close deal?" Tanong ko at sumandal sa aking kinauupuan.

Hinawi ni Laura ang kanyang buhok at ngumiti. "Yes Sam. Pwede mo nang umpisahan ang pagpapatayo ng structure. Malinis na malinis ang papeles natin."

"Thank you so much Laura." Pasasalamat ko. "Oo nga pala." Napaupo ako ng diretso. "Kamusta na ang kaso ni Paulo?"

Inalis ni Laura ang suot nyang salamin sa mata. "The Chairman already filed multiple case against Paulo. Mabibigat ang kaso at marami tayong ebidensya. Sooner or later maglalabas na ang husgado ng mandamiento de arresto."

"Nakalaya sya?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Isang tango lamang ang isinagot sakin ni Laura. "Bakit walang nagsabi sakin?"

"I thought you knew."

Agad akong tumayo. "Si Grace. Sigurado akong babalikan sya ni Paulo!" Hindi na ako nagaksaya ng oras at nagmamadali na akong umalis. Tahimik akong nanalangin na okay lang si Grace, I need to talk to her immediately kahit na ipagtabuyan nya pa ako ng paulit ulit.

"Sam. San tayo?" Bungad ni B1 sakin pagkalabas ko ng bahay.

"Ben please puntahan mo ang bahay ni Grace. Secure the place." Utos ko. Halatang sa boses ko ang pagaalala. "Nakalaya na si Paulo two days ago at sigurado akong si Grace ang una nyang pupuntahan."

"Sige." Walang patumpik tumpik na sumakay sina B2 sa kotse, samantalang ako ay halos paliparin ang sasakyan papunta sa kumpanya. At kapag minamalas ka nga naman ay natraffic pa ako. Habang hindi gumagalaw ang mga sasakyan ay sinubukan kong tawagan si Grace sa cellphone pero nakaoff ito. Lalo tuloy akong kinabahan.

Sa awa ng diyos ay nakarating din ako sa pupuntahan ko pagkalipas ng mahigit trenta minutos. Kailan kaya uunlad ang Pilipinas pagdating sa trapiko, sa byahe palang ubos na ubos na ang oras ko.

Pagbukas ng elevator sa 18th floor, lahat ng mapanuring mata ay nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ang tagal ko ng hindi nakapunta dito pero ang totoo ilang araw palang. Dumaretcho ako sa opisina ni Grace pero nakalock ang pintuan.

"Sam!" Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Gwen na papalapit sakin. "Anong ginagawa mo dito?"

"Bibisitahin ko sana si Grace." Medyo nakangiti ko pang sagot. "Bakit nakasarado opisina nya? Nasa meeting ba sya ngayon?"

Napakamot sa ulo si Gwen. "Ilang araw ng hindi pumapasok si Grace at wala kaming balita kung nasaan sya ngayon." Yung katiting na ngiti na nasa labi ko kanina ay parang hinipan  ng hangin. "I tried calling her pero hindi ko sya makontak."

Nanlambot ang tuhod ko at hindi malaman ang gagawin. Ayaw ko sanang magisip ng kung ano pero imposibleng iwanan nya ang lahat dahil sa galit sakin. Hindi ganong kababaw si Grace.

"Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni Gwen sabay hawak sa braso ko.

"Yeah." Huminga ako ng malalim para kalmahin ang buo kong pagkatao. Baka naman kasi over reacting lang ako sa pagaalala ni Grace. Pwedeng may pinuntahan lang sya o ano. "Gwen, kung dumating si Grace dito pwede mo ba akong tawagan?"

The Undercover Heiress (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon