Chapter 23

18.7K 766 162
                                    


Napabalikwas si Grace ng mapansin na wala sya sa kanyang bahay at hindi pamilyar ang kanyang paligid. Tanging liwanag na nagmumula sa bukilya ang nagbibigay tanglaw sa kabuoan ng apat na sulok ng malamig at walang laman na kwarto.

Sinusubukang alalahanin ni Grace kung ano ang nangyari, kung nasaan sya at bakit sya napunta sa lugar na ito. Ngunit kahit anong pagpiga ang gawin nya sa kanyang utak ay kasing blanko lang ito ng papel. Wala syang matandaan. 

Dahan dahan syang tumayo at maingat na naglakad patungo sa pintuan. "May tao ba dyan!?" nanginginig na sigaw ni Grace. "Nasaan ako? Bakit nyo ko dinala rito? Pakawalan nyo ko!" lumipas ang ilang minuto ay napagod si Grace sa kakasigaw, kakakatok at hampas sa pintuan pero walang sumagot sa kanya. "Ano nang mangyayari sakin dito,"

Sinubukan ng dalaga na maghanap ng kahit anong butas o daanan para makalabas pero nabigo lang sya. Nanghihinang napaupo si Grace sa sahig habang habang unti unting kinakain ng matinding takot ang bawat himaymay ng kanyang pagkatao.

Napatingin si Grace sa gamo gamong naglalaro palibot sa ilaw. Bigla nyang naisip si Sam.

"Sam. I'm sorry." bulong ni Grace sa hangin. "Mahal kita." umaasa ang puso nya na maiparating ng hangin ang bawat letra para sa babae na kanyang sinisinta dahil walang kasiguraduhan kung magkikita pa silang dalawa.

May pagsisisi sa puso ni Grace kung bakit nagawa nya pang tikisin ang sarili at pagmamahal nya para kay Sam. Oo, dumadating tayo sa punto na kinakailangan nating magsinungaling for good reason, para sa kapakanan ng nakakarami but it does not mean we are not trully sincere sa pagmamahal na binigay natin sa tao.

Biglang bumukas ang pinto, pumasok ang isang mataba at kalbong lalaki na may bitbit na tray ng pagkain. "Mabuti at gising ka na." bungad na salita nito na nagpatayo sa balahibo ni Grace dahil sa lamig at lalim ng boses ng bagong dating. "Nawala na ang epekto ng gamot sayo kaya pwede ka ng kumain."

"Sino ka?" pinilit nagpakatatag si Grace at nilunok ang takot. "Nasaan ako? Bakit nyo ako kinidnap!"

Walang ingay at salita na nilapag ng lalaki ang pagkain sa sahig. Sa itsura pa lang nito ay alam ni Grace na professional ito sa mga maling gawain, walang sinasanto kapalit ay pera.

"Bakit nyo ako dinala dito? Hindi ako mayaman para kidnapin nyo!"

"Wala akong maisasagot sa mga tanong mo Ms." pinakatitigan ng lalaki ang magandang dalaga na hanggang ngayon ay nakasuot ng gown pero gulo gulo na ang buhok. "Binabayaran lang kami para bantayan ka."

"Kami?" ulit na tanong ni Grace. Kahit magtangka pa syang pumalag o tumakas ay hindi nya magagawa dahil maraming nakabantay. "Sino ang magpakidnap sakin?"

Kahit madilim ay naaninag ni Grace ang pagsalubong ng kilay ng lalaki. Magaling syang bumasa ng ekspresyon ng mukha ng isang tao pero ang lalaking ito ay hindi nya mawari. "Wala ng maraming tanong." naglakad ito papunta sa pintuan. "Kumain ka na dahil ako ang malalagot kapag nagutom ka."

"Sino ang boss mo!?"

Binuksan ng lalaki ang pintuan. "Makikilala mo rin sya." at saka ito lumabas ng tahimik. Naiwanan si Grace na nagiisa, wala rin syang balak galawin ang pagkain. Mas gugustuhin pa nyang mamatay sa gutom.

Nagdaan ang mga oras at araw pero nanatiling nakakulong si Grace sa kwarto. Malapit na syang mawala sa katinuan, sinubukan nyang makiusap sa lalaking laging naghahatid ng pagkain sa kanya pero wala, walang pagasa.

At dahil desperada nang makatakas, nakaisip ng paraan si Grace. Ramdam nyang malapit ng dumating ang maghahatid ng kanyang pagkain.

Hindi naman nagkamali si Grace dahil dumating ang lalaki na may bitbit ang tray ng pagkain. Tuloy parin ito sa pagbibigay ng pagkain kahit na hindi ito ginagalaw ni Grace. "Hanggang kailan ka makakatiis na hindi kumakain Grace."

The Undercover Heiress (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon