Chapter 11

24.4K 907 80
                                    


Tanghali pa lang ay hindi na ako makapaghintay sa date namin ni Grace mamayang gabi. Nakakahiya, para akong teenager na hindi mapakali. Ginawa ko lahat para abalahin ang sarili ko pero wala parin. Si Grace ang nakikita ko at ramdam ko parin ang malambot nyang labi sa aking bibig.

"Sam," pukaw ni Grace sa atensyon ko. Napatingin ako sa direksyon nya. Inilapag nya ang isang folder sa kanyang lamesa. "Pakibigay ito kay Sir. Imperial,"

Kung alam lang ni Grace yung tinatawag nyang Sir. Imperial ay ang Papa ko.

Tumayo ako at kinuha ang folder. "Okay, are you not hungry? It is 12,"

Hinubad ni Grace ang kanyang salamin sa mata. "Oo nga pala," lagi nya nalang nakakalimutan kumain sa kakatrabaho. "Sige bibili ako ng pagkain natin,"

"Ako nalang bibili," pigil ko kay Grace nang tatayo na sya. "Dito ka nalang," at naglakad na ako palabas ng opisina.

"Sam!" tawag sakin ni Gwen. "Kain tayo!" alok nito at ipinakita ang kanyang hawak na baunan ng pagkain.

Siguro kung may word of the year ito na siguro ang SAM. isipin nyo naman daig ko pa ang sikat na artista, popular na popular ako. Sam dito, saan doon. Minsan naiinis narin ako sa sarili kong pangalan.

Ngumiti ako. "Thank you!" nagmamadali akong pumasok sa loob ng elevator sabay pindot sa 7th floor kung saan madalas nanatili si Papa at Mama. Pinagpawisan ako sa dami ng taong nakasakay para kaming sardinas.

"Bagay na bagay sina Sir. Paulo at Maam Grace ano?" kinikilig na bulong ng babae sa aking katabi. Hay nako. Eto nanaman ang mga chismosa sa elevator.

"Oo nga e," sang ayon ng kausap nito. Hindi ko mapigilang mapaikot ang mata. "Pero halata nga lang na hindi gusto ni Maam Grace si Paulo,"

Napangiti ako. That is right.

"Baka hindi parin nakakamove on si Maam Grace sa ex boyfriend nya,"

"Maybe," bumukas ang pintuan ng elevator at lumabas ang dalawang babae na chismosa. Walang ginawa kundi gawing agahan, tanghalian at hapunan ang buhay ng may buhay.

Hindi rin nagtagal ay nakarating na ako sa 7th floor at hindi gaya sa 18th floor. Ang 7th floor ay lugar kung saan matatagpuan ang maraming kainan. Kaya hindi n kinakailangan ng mga empleyado na lumabas ng building lalo na kung hindi maganda ang panahon. Bumili muna ako ng pagkain namin ni Grace at para kina Papa at Mama rin baka kasi subsob rin ang mga ito sa trabaho.

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng opisina ni Papa ay dinig na dinig ko na ang malalakas at malulutong na tawanan ng mga tao sa loob. Kumatok muna ako bago buksan ang pintuan.

"Sam!!" tili ng babaeng nakaupo sa tabi ni Mama at Papa. Tumayo ito at eleganteng naglakad papunta sakin. "It's really good to see you!" at niyakap ako nito.

"Ginger!" hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit ang pinakapaborito kong pinsan. Kahit sobrang tagal na namin hindi nagkikita ay kilalang kilala ko parin ang bawat sulok at korte ng kanyang mukha. Walang kupas ang kanyang kagandahan. "Oh my god, I didn't expected na magkikita ulit tayo,"

Natawa si Ginger at ginulo ang aking buhok na lagi nyang ginagawa simula nang bata pa kami. "You have changed Sam, ang ganda ganda mo!"

"Wow, dapat bang matuwa ako? Kasi pakiramdam ko ang pangit ko dati," natatawa kong sabi kay Ginger. Ngumiti lang ito. "What are you doing here?" naiintriga kong tanong habang lalakad kami papunta kina Mama at Papa. "I brought you guys food, baka kasi hindi pa kayo kumakain," anang ko sa magulang ko at nilapag ang mga papers bag sa lamesa.

"Binisita tayo ni Ginger," si Mama na ang sumagot sa tanong ko. "Well she is here to talk about something really important,"

"About what?"

The Undercover Heiress (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon