#Assumera 1 : The Effect on Her

184 9 6
                                    

Zephyrrine's POV

Naglalakad ako sa loob ng Campus ng walang direksyon. Basta ang alam ko, gusto kong maglakad ng maglakad ng maglakad ng maglakad. Maglakad hanggang sa mapagod ako. Maglakad hanggang sa sumuko na ang mag paa ko. Maglakad hanggang sa mapudpod na ang sapatos ko. (chika!) Kung pwede lang talaga utusan ang lupa na bumuka at lamunin lahat ng nararamdaman ko ay ginawa ko na. Bat pa kasi nagpa-uto ako kay Russel ee. Bat pa kasi siya pa, eeh, hindi naman clear. Hindi naman maayos. Wala namang basehan. Wala naman kasi wala naman talaga. Ayy nako!! kunot noo akong palakad lakad nang biglang may narinig akong boses na mala-dyesebel na sumigaw ng pangalan ko.

" Faylene Zephyrrine Villeta!!!! Hintayin mo ako baliw ka! Hooooy! hoyyyyyyyyy!" sigaw ni Sky.

Napatigil ako at lumingon. "ooh? bakit na naman Sky Rogue Madrigal?" Bat mo sinisigaw pangalan ko? alam mo namang mala-wangwang yang boses mo aaaa. "  pang-asar ko sa kanya.

" Eeeeh! Zep, totoo ba? Totoo ba na alaws na kayo ay walang nangyari sa love love love niyo ni Russel Vasquez ng 3rd Year ?? " hirit nito habang hinihingal sa paghabol sakin.

"Ahh, yun ba? Uhm. Oo ee. wala ee. kasi wala naman talaga. Nada. Wala. Wis. Nothing. xD "  sagot ko sa kanya habang naka super lapad na ngiti with matching sparkling eyes pa.

"Ee, Zephy naman ee. alam ko hurt much ka dahil dun. Crash mo pa naman yung Russel. Diba kalaro mo yun dati sa pc shop ee. " hirit pa niya.

Hindi na ako umimik at sa halip ay napabuntong hinga ako at naglakad na pauwi. Hindi na naman niya ako ginulo kasi alam niya na ayoko ng magulo at baka batukan ko pa sia at ipasok sa sako sabay papausukan. xD pero joke lang yun.

Habang papalakad ako, naalala ko na naman yung mga masasayang araw namin ni Russel. "ouch". para bang may kumukurot sa singit ko pag naaalala ko yun. Yung HHWW, yung sabay kain, sundo sa classroom, hatid sa bahay. Mga simpleng bagay na kakiligkilig. Pero alam kong hindi kami. Walang kami at wala na talaga sigurong pag-asang magiging kami. Not now, Not tomorrow, not next week o next year. NOT EVER.

Habang naglalakad ako, bigla na lang nagvibrate ang cellphone ko. Binuksan ko ito at nakita ko ang name ni "Jared". Ayokong buksan kasi alam ko naman na mangungulit lang siya sa napurnada kong love life. Akala kasi nila yun na yun e. Yun na talaga. Okay na talaga ng bonggang bongga. Pero akala lang nila yun. At akala ko din.

Ako si Faylene  Zephyrrine Villeta, 19 years old. DJ at Dancer. Nainlove sa lalaking akala ko mahal din ako. Yun pala AKALA KO LANG. Isang malaki at bold na AKALA.

*Hehe. pasensya na kung medyo brief at sabaw xD

** nangangapa <3

#Assumera (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon