“Bakit kaya ako niyakap ni Lois? – gulong gulo kong tanong sa isip ko.
Ahhh ewan. Makaligo na nga.”
Medyo matagal akong natapos sa pagligo at nang tiningnan ko ang cellphone ko ay may messages.
Alexa.. Ate Chiki.. Miss Athena..Kuya Carlo.. Unknown Number.
Napatigil ako sa isang unregistered number kaya in-open ko ito.
“[Unregistred Number]
See you later Zephy.”
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi maganda to. Bongga!
Agad naman akong nag-ayos ng mga gamit ko.
“2 extra T-shirts, (Red Maong Shorts, Black University Jacket, White Spaghetti Strap Top.—Halo Club Get up), Socks, 2 face towel. 1 shower towel—in case makikiligo ako., etc.”
Maayos kong inilagay ito sa isang bag at bitbit ko din ang mga gamit ko para sa Halo Club mamaya. Pucha! Ambigat. Pshh.
Tinawagan ko nalang si Lois na magdadala nalang ako ng sasakyan kasi madami talaga akong dala at mahirap kung makikisakay lang ako. Pumayag naman siya at siya na lang daw ang makikisabay sakin. Ayy nako. Hindi ko na alam ang trip ng gagong to.
Nagbilin ako sa mga pinsan ko na I text ako kung saan man sila gagala.
Tumango naman sila at pina alis na ako dahil baka nag hihihntay na daw ang DATE ko.
“Psssh! Grabe talaga tong dalawang to! Date? Hindi naman kami mag de-date ni Lois e. Practice naman yung at meeting. Kitid talaga.” sabi ko sarili ko habang nagmamaneho paputa kina Lois.
Agad namang sumakay si Lois sa tabi ko.
Tahimik naming tinahak ang daan papuntang School nang nagpark ako ay may nakita akong pamilyar na kotse. Tengene? Wag niyang sabihing nandito na naman siya? Seriously?
Nakita ni Lois ang pagkunot ng nook o at pinitik niya ito.
“Hoy!! Nag tatravel kana naman sa isipan mo Ah. Pasabay naman Z!” hirit niya sabay tawa.
Sa asar ko, hinalikan ko siyas a pisngi. At napatigil sila dun. Lumabas ako ng sasakyan dala dala ang gamit ko at nasunod naman siya sakin. Halata ang tinatago niyang ngiti habang naglalakad.
Nginitian ko lang siya at nagsalita. “ hoy! Ginawa ko lang yun para magtigil ka. Haha. Nakakatawa ang reaksyon mo Lois swear. Epic!” habang hawak ang tiyan ko na nagpipigil tumawa.
“Nakakaasar ka Z!! Ewan ko sayo di na tayo bati!” sigaw ni Lois habang hinahabol niya ako.
Ako naman takblo ng takbo habang tumatawa. Naabutan niya ako ng bigla akong napahinto dahil nakita nila Kuya Carlo ang paghahabulan namin ni Lois.
“abaaa! Ang saya niyo ata aa. At hindi pa kayo late. Heheee” hirit ni Kuya Carlo samin na halatang nang iintriga na naman.
“Eto kasing si Faylene Carlo ee. Ang lalim lalim ng iniisip may nakita lang na sasakyan kaya pinitik ko sa ulo, malay ko bang hahalsakhdfgdfgjhgfdjgdh! Ano ba Faylene tanggalin mo nga yang kamay mo kakagatin ko yan sige ka! “ putol ko kay Lois nang nakita ko si Russel na nakatingin samin.
“Shut Up Lois, Kukutusan kita diyan ee. Susumbong mo pa ako kay Kuya Carlo ha!” pagpapatahimik ko sa kanya at tawang tawa naman si Kuya Carlo sa pinag gagawa namin ni Lois.
BINABASA MO ANG
#Assumera (on going)
Novela Juvenil#Assumera formerly Summer Love ** some parts are based on my personal experience pero syempre medyo may twist nang konti. ** First time ko sumubok magsulat kaya medyo hindi pa ganun ka pulido PERO effort and effort and effffffffooooooorrrrrrrtttttt...