Russel’s POV
Nakasalampak ako ngayon sa labas ng classroom namin, gumagawa ng essay at nagnanakaw ng tingin kay Zephyrrine na naka upo malapit sa may bintana.. Namimiss ko n siya... Sobra...
Nakakainis lang talaga siya. Siya ang gusto kong kausapin. Gusto ko magbati na kami.. Pero bat ba ipinakilala niya ako sa babaeng yun? Ganun naba niya ako ka ayaw kausapin at ipinapakilala niya ako sa kung sinu-sinong nag fefeeling close sa kanya para makilala ako?(Presko meeen!)
Ginagawa ko naman ata lahat para kahit papaano ay malapitan ko siya, kahit na hindi niya ako kausapin solve na ako dun. Alam ko naman kasing malaki ang kasalanan ang ginawa ko sa kanya. Pero wala ee, natukso akong halikan siya. Malay ko bang ganun magiging reaksyon niya dun? Aissssssh!>.<
Lumayo ako sa kanya para bigyan siya nang space. Kahit hindi niya hiningi, ginawa ko. Nilayuan ko siya dahil nahihiya akong lapitan siya matapos kong bitawan siya ng mga masasakit na salita.. Alam ko kahit hindi kami, gusto ko naman siya kahit papaano.. Yun lang talaga, hindi ko nasabi sa kanya na may pinopormahan ako nun sa school ng pinsan ko.
Nung lumayo ako sa kanya, alam ko tama yung disisyon ko. Sa paglayo ko, nawalan ako ng isang malapit at matalik na kaibigan. Nanghihinayang talaga ako dun. Kaya naman nag aral akong sumayaw. Nagpaturo ako kay ate Athena na sumayaw para kahit papaano ay kasama ko na din siya dahil alam ko na hilig niya yun.Hindi ako nag enroll sa school ko at lumipat muna ako sa ibang University. Pero pag may pagkakataong sumasabay sakin si ate Athena ay nilulubos ko na. Sinusundan ko siya ng tingin pag nakikita ko siya. Minsan nagcocommute lang siya, minsan naman dala niya ang sasakyan niya.. Napakasimple siyang babae.. Kahit na hindi siya masyado nakikihalubilo sa mga ibang studyante pero pag may lumapit sa kanya ay kinikibo niya din naman ito.. Kelangan mo lang talaga siyang unahan dahil mahiyain din siya.Minsan pinupuntahan ko siya sa mga practices nila sa school.Nahuli nga ako minsan ni Carlo e, pero alam niya na wala naman akong gagawing masama kay Zephyrrine.Pumupunta din ako sa mga gig niya sa Halo Club hindi lumipas ang isang schedule niya na wala ako. Minsan kasama ko mga kaibigan ko, minsan naman ako lang mag isa. Nakaupo sa upuan at tinitingnan ko siyang gumawa ng mahika gamit ang kanyang mga musika.
Minsan nakita ako ni DJ Thunder, malapit siya kay Z dahil mentor niya ito nila ni Zeal Grey.. Kinamusta ko si Zephy sa kanya at sinabi kong wag niya nalang sabihing nandito ako.
Pag umuuwi siya ng gabi ay dumadaan naman ako sa bahay niya para siguruhing nandun na siya at nagpapahinga.. Minsan nga napagkamalan akong stalker ng kapitbahay niya pero buti nalang nakilala niya ako at pinakiusapan ko nalang na wag niya akong isumbong kay Zephy..
Halos araw-araw ko siyang binabantayan sa malayo, kahit na mukha na akong baliw o stalker wala akong paki alam..
Kahit hindi niya ako nakikita, kaibigan ko pa din siya. Kahit na ako nalang ang may alam nung bagay na yun...
Sa loob ng isang sem ay hindi ako nagsawa sa ginagawa kong pagmomonitor sa kanya. Buti nalang at mababait ang mga kaklase niya at binabalitaan ako sa mga nangyayari sa kanya.
Kaya nagkalakas loob na akong bumalik sa sumunod na Semister para makausap ko na siya at humingi nang kapatawaran.. at para bumalik na kami sa dati.. Pero sa nakita kong reaksyon niya nung una kaming nagkita e parang ayaw niya talaga akong makausap man lang.. O ni kahit anino ko ay ayaw niya ding maaninag.
Ilang beses akong sumubok lumapit, ilang beses na sumubok siyang kausapin. Pero sa mga pagkakataon na yun ay nauunahan ako ng kaba at takot.. Takot na ayaw na niya talaga akong maging parte o kahit dumaan man languli sa buhay niya..
BINABASA MO ANG
#Assumera (on going)
Genç Kurgu#Assumera formerly Summer Love ** some parts are based on my personal experience pero syempre medyo may twist nang konti. ** First time ko sumubok magsulat kaya medyo hindi pa ganun ka pulido PERO effort and effort and effffffffooooooorrrrrrrtttttt...