Maayos kong nalampasan ang ang school week na yun kahit na lagi kong naaalala si Lois. Ang hirap naman kasing hindi siya isipin. Hindi pa kaya ng sistema ko. Hindi muna sa ngayon, ayoko muna.
Nandito kami ngayon sa Airport . Kasama ko sina Pinsan at Axy pati na ang mga barkada namin para sunduin sina Tita at si Lois. Mga halos 1 oras na kaming nandun nang may tumawag na kay Axy dahilan nang malapad niyang ngiti at agad na tumakbo papalapit sa Arrival Area. Nakita ko ang Mama ni Lois na hawakhawak ang isang bag na circular at ramdam kong nandun sa loob na yun ang mga abo ni Lois. Agad namang kumaway ang Papa nila kay Axy.
Niyakap nila agad si Axy nang mahigpit. “Anak, namiss ka namin.. ang laki mo na.” bulalas ng Mama niya habang ayaw umalis sa pagkakayakap niya kay Axy. Inangat naman ng Papa niya ang mukha niya sa mga kasama ni Axy at dumapo ang tingin niya sakin saka ngumiti at lumapit.
“Magandang hapon ho Tito.” Sabay sabay naming bati sa kanila na agad naman ikinangiti nang mama ni Lois at Axy.
Lumapit sakin ang Mama ni Lois at niyakap ako ng mahigpit. “You must be Faylene Zephyrrine… My s--on talks so much about you..”pautal niyang bulong sa tenga ko kaya tumango naman ako.
Lulan kami ngayon ng Van nina Axy. Nagpumilit kasi siyang iisang sasakyan nalang ang gamitin namin para sa pagsundo kaya pumayag na kami. Mga isa’t kalahating oras ang byahe papunta sa bahay nila dahil sa medyo traffic yun kahit linggo. Madaldal si Axy sa byahe pero bakas pa din sa kanya ang kalungkutan lalo na sa mga mata ng mama at papa niyang ngumingiti ngiti lang ng pilit.
Pagkadating namin sa kanila ay agad kaming sinalubong ni manang nang isang masarap na meryenda buffet. Pinagsaluhan namin yun at nagkwento tungkol kay Lois. May kumukurot na naman sa dibdib ko kaya nagpaalam akong lalabas muna saglit para huminga.
“Aiish.. bat kasi.. nakakainis.” Bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa gutter sa labas ng gate nila. Ilang saglit pa may kumalabit sakin. Ang Mama ni Lois yun at ngumiti.
“Hija..” bungad niya kaya agad akong napatayo sa kinauupuan ko at nagyuko ng ulo.
“Lois would be sad if he see you that way..” dagdag pa niya at may inabot sakin na itim na box. Kinuha ko naman yon at ngumiti.
“Uhm, para saan to tita?” tanong ko sa kanya habang hinihimas ang taas ng box.
“Surpresa yan ni Lois sayo.. sabi niya sakin bago siya malagutan ng hininga ay ibigay ko daw yan sayo.. hindi na daw niya magagawang suotin yang parter ng sayo kaya ang magsusuot nadaw ng kapares ay ang lalaking pagbibigyan mo nito.” Sagot ni tita habang hinahawakan ang kamay ko.
“Thanks Tita…” ang tangi kong nasagot dahil umaagos na naman ang luha ko. Niyakap niya ako nang mahigpit at bumulong siya “Lois is gone.. But it doesn’t mean you’ll stop your world too Hija.. Don’t be afraid to Love again.. Lois doesn’t want to see you crying over and over for him. He wants you to be happy.. I know. I can feel it.” Bulalas ng Mama niya bago ako inaya pabalik ng Bahay nila kung saan nadun pa halos lahat sa table at masayang kumakain at nagkukwentuhan.
“Hey Ate Z.. you okay?” tanong ni Axy habang sinusubo ang kapirasong cake.
Ngumiti naman ako at tumabi na sa kanya. Isinuot ng Mama ni Lois ang bracelet sa kamay ko bago kami bumalik sa loon ng bahay. Kahit papaano ay nararamdaman ko siya na nandito sa tabi ko. Pinanindigan niya ang pagiging prinsipe ko.
---------------------------------------------------------------
Nandito kami sa Musuleo nang pamilya ni Lois para ilibing namin mga abo niya katabi ng mga grandparents nila ni Axy. Kasama namin ang mga relatives nila na hindi pa din makapaniwala sa biglaang pagkawala ng kanilang pamangkin. Kasama ko din ngayon ang mga barkada namin,ang dalawa kong pinsan, mga kasamahan sa Org. at iba pa niyang mga kaibigan course niya. Pinayagan silang pumunta sa libing ni Lois dahil sa gumawa kami ng pormal na letter para dito. Tahimik silang umiiyak at inaalala ang mga panahong kasama nila si Lois.
Nasa right side kami at katabi ko si Axy ngayon at inaakbayan ko siya. Tahimik niyang minamasdan ang Mama niya na umiiyak at yakap yakap ang Papa niya. Ilang saglit pa ay tinawag kami ni Axy ng mga magulang niya at niyakap kaming pareho.
Habang unti unting sinasara ay hindi ko na napigilang umiyak dahil sa sobrang sakit. Yumakap nalang ako bigla kay Axy na ngayon ay umiiyak din katulad ko.
“Paalam na Lois.. paalam na aking prinsipe. Alam kong Masaya kana sa piling ng may Likha sa atin.. hinding hindi kita malilimutan. Hinding hindi ko malilimutan ang pag-ibig mo.. Mahal na mahal ki—taa..” binulong ko habang tumutulo ang luhang ayaw tumigil.
Unti unting nagsialisan ang mga bisita matapos ang libing. Ilang sandali pa ay nilapitan ako ng Mama nina Axy.
“Hija, salamat sa pagmamahal mo sa anak ko. Napasaya mo siya ng lubusan. At katulad nang paglisan niya.. marapat na ding umusad ka. Alam kong mahal mo siya at matatagalan din bago mo siya makalimutan.. pero ayoko na mapako ka sa kanyang pagkawala.. matuto kang magmahal muli.. okay?” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti.
Tumakbo papalapit sakin si Axy at nagsabing “ Ate Z.. lilipat na ako sa Canada. Isasama ako nina Mama. Dun na ako mag aaral.. pasensya kna ha? At pati ako iiwanan ka.” Habang yumayakap siya sakin.
“Okay lang Galaxy.. hindi ka naman mawawala sakin di ba? Hindi mo naman siguro kakalimutan ang ultimate crush mo di ba ?” pabiro ko sa kanya na agad naman niyang ikinatuwa.
Nauna na ang dalwa kong pinsan sa sasakyan at hinihintay ako. Muli ay niyakap ko sila Tito at Tita at pati si Axy at nagpaalam na.
Tahimik naming binaybay ang daan pauwi samin. Ang mga pinsan ko naman ay hinatid lang ako dahil may hahabulin nila ang natitira nilang mga klase. Naiwan ako sa bahay at puwesto sa likod bahay kung saan nadon ang tumba tumbang upuan. Pinakawalan ko si Choy kaya tumatakbo takbo siya ngayon sa harapan ko.
Pinagmamasdan ko ngayon ang bracelet na bigay ng mama ni Lois sakin na inihabilin ni Lois sa mama niya. Pinipigil ko ang luha ko pero hindi ko talaga kaya.
Nagising ako sa tunog nang makina ng sasakyang pinaparada sa garahe at nakatulog na din si Choy sa tabi ko. Agad naman akong tumayo kaya sumunod sakin si Choy papuntang pintuan. Nadatnan ko ang mga pinsan ko na may dalang take out na pagkain.
“Sarap naman niyan!” sabi ko sabay turo sad ala nilang take out.
“ihanda mo na dun at kakain na tayo!” sigaw ni Diossa sakin.
Masaya naming pinagsaluhan ang take out nilang steak at nagpalakasan pa kami ng dighay. Syempre nanalo si Diossa. Sa lakas ba naming kumain nun ee talo talaga kami ni Zeal.
Umakyat na ako papuntang kwarto dahil pinagpahinga ako ng mga pinsan ko. Binuksan ko ang bintana ko para maramdaman ang malamig na hanging bumabalot ngayon sa paligid. Dumungaw ako at nakita ang iilang taong dumadaan. Napatingala ako sa kalangitan, at naalala ko ang sinabi ni Tita sakin kanina bago kami umuwi.
Alam kong mahihirapan ako sa pagkawala niya.mahihrapan ako sa paglisan niya. Hindi ako sanay na hindi siya nakikita o nakakasama. Hindi ako sanay na hindi siya kausap o kapikunan. Siguro masasanay din ako sa paglipas ng panahon. Kagaya ng paglubog ng araw, ay muli itong sisikat para bigyan ng bagong pag asa ang mundo. Pag asang kailangan natin para lumaban at hindi magpapako sa nakaraan. Walang permanente sa mundo. At kagaya ng ibang nabubuhay, lahat tayo ay mamatay sa iba’t ibang paraan. Ang pagkawala ng prinsipe ko ay hindi katapusan. Alam ko, dahil itutulak niya ako para muling umusad sa hinaharap at mamuhay nang normal muli. Hindi ko sasabihing aalis siya sa sistema ko dahil impossible yung mangyari. Siya ang taong tinulungan akong makaahon sa pagkakabaon sa isang assumerang damdamin. Itutulak niya ako para umibig at maging masaya, ang kiligin at mahalin din nang taong mahal ko. At kasabay dun ang katotohanang hindi na siya yung magiging taong makakasama ko sa mga panahong yun. Pero alam kong magiging masaya din siya para sakin. Siya ang tipo ng taong gagawin ang lahat para sa pinakamamahal niya, ramdam ko yun sa maiksing panahon naming magkasama.
At muli, ang mga luha ng puso kong ikinukubli ay di na naiwasang umagos galing sa mga mata ko.
-----------------------------------------------
At wala na talaga si Prince Charming ni Zephyrrine.
Paalam na Lois Kymon Santos </3
Comment na kayo ^_^
BINABASA MO ANG
#Assumera (on going)
Teen Fiction#Assumera formerly Summer Love ** some parts are based on my personal experience pero syempre medyo may twist nang konti. ** First time ko sumubok magsulat kaya medyo hindi pa ganun ka pulido PERO effort and effort and effffffffooooooorrrrrrrtttttt...