Kinabukasan ay maaga akong sinundo ni Lois dahil medyo umuulan. Pagpasok ko sa sasakyan niya ay may naghihintay saking kape at carrot muffin.Ang swerte ko talaga sa boyfriend ko bulong ko sa isip ko habang ninanamnam ang maagang pasalubong niya sakin. Pasulyap sulyap siya sakin at ngingiti ngiti ito habang pinapanood akong kumakain nang dala niya. Pinanlakihan ko siya nang mata kaya tumigil siya sa ginawa niya.
“Gusto mo prince?” alok ko sa kanya habang humihigop nang kape.
“Wag na princess, sayo na yan. Antakaw mo ee.” Sagot niya habang ngumingisi.
“Ooh! Kain ka.” Sabi ko sabay tapat nang kapirasong muffin sa bibig niya. Bumuka naman ito at isinubo ko sa kanya.
“Nga pala princess, may dalaka bang jacket?” sabi niya habang nginunguya yung sinubo kong muffin.
“Hehe. Wala e, nakalimutan ko sa sala. Di mo na nasa ako sinundo. Masyado kang pahalatang atat prince ee.” Sabi ko sa kanya sabay ngisi.
“Hahaa. Hindi ako atat nuuh. Masama bang namnamin ang moment na finally ay gf na kita?” sabi niya sabay nguso.
Pinitik ko nang mahina ang nguso niya sabay sabi “Waaag kang ngumuso. Halikan kita dyan e.” pang iinis ko sa kanya.
“Talaga? Hahalikan mo ako kung ngunguso ako? ^___^” sabgot niya na may malapad na ngiti.
Nasapo ko ang noo ko at umiling iling. “Ewan ko sayo Lois Kymon! Nakarinig lang ng halik, para kang timang diyan.” Malamig kong sagot sa kanya pero halata niya ang pamumula ng pisngi ko.
“hahaha. Ang cute mo prinsesa ko. Alam ko namang gusto mo akong halikan.” Pang aasar niya.
“Psssh. Bahala ka nga sa buhay mo. Sipain kita dyan ee. Bilisan mo na nga at malelate na tayo.” Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa bintana.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school. Alas 8:30 ang klase niya at alas 9 naman akin. Sinuot niya sakin ang hoddie na nasa back seat niya. Kulay blue yun at gray naman ang suot niya. Napangiti nalang ako sa pinagagawa nang boyfriend ko. Inalalayan niya akong lumabas nang sasakyan niya dahil umuulan nga. Nasa bewang ko ang kamay niya habang papalakad kami papuntang classroom niya. Aliw na aliw pa din ako sa kape at muffins na hawak ko sa magkabilang kamay. May mga nadaanan kaming tinitingnan kami pero di ko nalang pinansin, wapakels ako. Nginiti ngiti naman ang mukha ng loko. Tiningnan ko siya habang humihigop nang kape. Ginulo niya lang ang buhok ko at patuloy na naglakad.
Maya maya ay nasalubong namin ang ilan sa mga classmates niya.
“Abaaa Lois, umaasenso ah?” hirit nang isa niyang kaklase.
“Girlfriend mo na si Z Lois? Di kana talaga ma reach.” Hirit pa nung isa.
Tumawa nalang ako sa mga pinagsasabi nang mga kaklase niya. Kung makahirit lang, akala niya wala ako e.
“wag niyo na asarin tong si Lois. Iiyak na to sige kayo. Malayo pa naman ang classroom ko.” Hirit ko sa kanila kaya kumunot ang noo niya.
“Wag ka nang gumatong princess, pinatitripan na nga nila ako oh.” Pagnguso niya.
Tumawa nalang ako at niyakap siya. “ Sige na alis na ako, may klase pa kayo ooh.” Sabi ko sa kanya sabay tatalikod nasana para umalis nung hinila niya ang braso ko at hinalikan ako sa noo. “ingat aking prinsesa.. iloveyou.” Sabi niya na ikinatili nang mga kaklase niya pati na nung ibang studyante na nadun sa hallway.
BINABASA MO ANG
#Assumera (on going)
Teen Fiction#Assumera formerly Summer Love ** some parts are based on my personal experience pero syempre medyo may twist nang konti. ** First time ko sumubok magsulat kaya medyo hindi pa ganun ka pulido PERO effort and effort and effffffffooooooorrrrrrrtttttt...