Kararating ko lang sa bahay, mag-isa lang pala ako. Wala akong kasama kundi ang sarili ko. Kinuha ako ng tiyahin ko noong bata pa lang ako sa Lola ko. Bilang musmos pa lang at walang alam, pumayag naman ako, sa totoo lang excited pa nga ako e. City ee! kumpara sa province? walang panama! (joke lang xD) OJT ako sa business niyang sound system kaya mejo alam ko na din pano kalikutin yung mga speakers at mga equalizers etc.
Napakamot ako ng ulo nang may makita akong note sa labas pinto ko. " Please be on time now Miss Zephyrrine. We need your mixes now. -- Thunder ".
"Tsss. Alam ko naman e. bat pa may note note tong nalalaman ee. Kala niya naman siguro malelate na naman ako ee, maaga pa naman. ayy nko." Bulong ko sa sarili ko.
Naghanda na ako para sa pagpasok ko, as usual, SOLO FLIGHT sa pagkain at lahat ng bagay e SOLO ako. Ako na ee, Ako na talaga.. akeeeen na ang lahat ng SOLO sa layp.
Pasado alas 7 na ng may natanggap akong text galing kay Sky.
"Lokaret? Ano.. uhm, tutugtog kaba mamaya sa Halo? Uhm, pwede palibre? :-D sige na, close naman tayo ee. super close dba? dba ? diiibaaaaaa?! "
Napangiti naman ako sa text ng loka kong friend at nagreply, " Oo na. with matching 1 bucket pa ng beer yan ha! Kundi lang talaga malakas ka sakin ee. Hindi talaga ako papayag. never in my entire life! xD"
Naglock na ako ng pinto at nag abang ng masasakyang taxi. May sasakyan naman ako bigay ng tita ko kaso natamad ako magpa gas saka para minus gastos na din kaya commute commute na muna.
Dumating ako sa Halo bago mag alas 9 ng gabi. Eksakto lang sa 2nd set nina kuya Thunder.
“ Yow yow yow! Z! Himala aa, di kana ata late ngayon? Mi inspirasyon siguro ang little Z naming nuh? “ pang-asar ni Thunder nung nakita akong paakyat sa kanya sabay gulo sa magulo ko ng buhok dahil sa bukas na bintana ng taxi kanina.
“ Sensya na T ha? Medyo nabusy lang sa School, alam mo naman, irregular ee saka siksik liglig sa major kaya eto parang zombie na naglalakad. Kumakaway na nga eyebags ko ee. Kita mo ba?” sagot ko nang may pagpapaawa effect.
“So hindi ka na malelate? Nag aalala kasi si boss ee kung kaya mo pa ba daw pagsabayin. Naaawa na ata sayo.” Dagdag pa niya.
Syempre di ako malelate nuh, mi pa note note kapang nalalaman dun sa pintuan ko aa. If I know, inutos mo lang yun kay Stephen ee, alam mo naman yun die hard fan mo yun. Gagawin lahat para sayo. Nga pala T, anong set ako? Saka mi mga bago akong pyesa medyo hindi pa pulido pero pwede nang pagtyagaan. Lasing na naman mga yan sa set ko e. ” Sabi ko sabay ngiting nakakaloko.
Napalinga linga ako kasi hinahanap ko si Sky. Sabi niya kasi pupunta siya kaya tinimbrihan ko na ang bouncer na papasukin sila pati ang waiter na pag nakita yung amoks niya e bigyan agad ng 1 bucket ng beer. Yun lang kasi afford ko HAHAHA! xD
Patapos na ang set ni T at pinapaready na ako para mag take over. Akala nila di ako Dj e. Sa get up ko ba naman na gray pants, low cut chucks at Red na t-shirt tsaka back pack ee mapagkakamalan lang talaga akong estudyanteng gusting magliwaliw. Eh, totoo naming estudyante akong nagliliwaliw pero trabaho ko yun. Hehehe.
“all right party peopleeeeee! Our darling Z is sooo back! Are we readyyyyy?!!!!!”Sigaw ni T habang nakabackground ang sirena ng bumbero.
Nagsigawan naman ang mga tao kaya all set na talaga. Umakyat na ako sa platform sabay suot ng baseball cap ko patalikod at sumenyas ng “OK!”. Sinulit ko ang 3rd set sa mga bagong mash ups at layers ng kanta. Eh sa lagi ba naman akong late kaya 1 set nalang talaga nabibigay sakin, buti nalang at mabait si Boss at full payment padin natatanggap ko. (wala ee, malakas ako kay boss eeee. ^_^ .)
Patapos na ang 3rd set ng maaninag ko si Sky kasama yung mga pinsan niya at si special someone daw niya. Sinurpresa ko siya sa pamamagitan ng shout out na : “All right Party People! My dear friend Sky is sooooo here! Let’s Party some more! “ at naka sunud-sunod na ang tatlong music ko para makababa ng saglit kina Sky.
Bigla naman akong bumaba sa platform para masaglitan sina Sky na tyempong nilalasap ang Beer nan aka tab sakin.
“Hoyyy! Sky!! Bat ang tagal mo? Patapos na 3rd set ooh tas ngayon ka lang? tsss.” Sabi ko habang nakanguso.
“Eee, eto kasing sila pinsan ee, ang arte arte sarap batukan. Nga pala Z, this is Myra, Sheian and Si special someone, Kirby.” Pakilala ni Sky.
“Nice meeting you, Im Faylene Zephyrrine but you can call me Z.” sagot ko.”
“Hi Z^_^! – sabay sabay na sabi ng Tatlo.
“Akyat na ako ha? Papasok na kasi ang 4th Set ko. Kaya Enjoy lang kayo dyan okay? Papakilala kokayo mamaya kay T”! – sabay kaway sa kanila at papalakad papuntang platform ng biglang may pamilyar na mukha akong nakita. Siii.. Russel. Nandito..
Inalis ko siya sa isipan ko at matiwasay ko naming naitawid ang 4th set ko. Buti nalang nagging masaya naman siala t kontento sa performace ko kahit medyo sabaw ako dahil papalapit na din ang midterm kaya todo review ako ng bonggang bongga kahit na wala na akong mapiga sa mga notes (photocopied) ko.
Pinakilala ko sila kay Thunder kani kanina at nag paalam nan a mauuna nang umuwi kasi kulang na lang mabuhay yung eyebags ko dahil sa dalawang layer na ito.
Hindi ko pa rin maalis sa isip ko si Russel na parang nakita ko sa may Bar area. Kaya sumaglit ako sa CR para mag ayos at magpalit ng damit dahil pinagpawisan din ako sa kakasayaw habang nagpapasayaw din ng crowd.
Papalabas na ako ng Bar ng tinawag ako ni Boss at inabutan ako ng sobre sabay sabing “ Zep, pandagdag mo sa gastos mo. Nangangayayat kana oh. “ Kinuha ko naman at nagpasalamat. Nga pala ang Boss ko ay ang Tiya ko din na nag-alaga sakin. Hehehe.
Nakisabay na ako kina Sky, total malapit lang naman sa kanila ang bahay ko saka may pasok pa kami bukas kaya todo aya ko siya na umuwi na kami. Pumayag naman ang loka sa kondisyong ililibre ko daw siya ng palabok bukas sa meryenda. Wala naman akong nagawa kaya tumango na lang ako at ngumiti siya ng malapad.
“Bye Sky! Salamat sa paghatid na may kapalit na palabok bukas.” Sabi ko.
“Bye Z! Oo, sisingilin kita bukas itataga ko yan sa bato!” sabat naman ni Sky sabay alis na.
BINABASA MO ANG
#Assumera (on going)
Novela Juvenil#Assumera formerly Summer Love ** some parts are based on my personal experience pero syempre medyo may twist nang konti. ** First time ko sumubok magsulat kaya medyo hindi pa ganun ka pulido PERO effort and effort and effffffffooooooorrrrrrrtttttt...