Z’ POV
Dalawang araw na lang at Org. Week na. Halos ngarag na lahat ng mga Organization kaya kahit sabado ngayon, ay parang may pasok pa din sa dami ng studyanteng nagdadaan sa hallway papunta sa kani kanilang designated Organization Area.
Papunta ako ngayon sa Dance Hall kung saan nadun ang area namin. Sinandya talaga ni Dean na dun yung amin dahil kami ang may pinakamalaking event sa katapusan.Meron naman kaming booth na maliit sa ground para sa mga gusting mag inquire kung paao makasali sa organization namin pero nadun lahat sa dance hall kung gusto mo talagang malaman ang tungkol sa org namin.
Napadaan ako sa may Com Arts Building kung saan nakita ko si Selenity na may kausap na lalaki. Sa tindig palang niya, alam kong si Russel yun. Napansin kong hawak ni Russel ang kamay niya na tila ba nanliligaw ito. At narinig ko nalang si Selenity na nagsalita nang “Oo na Russel, pumapayag na akong ligawan mo.” Pssssssh. Masaya ako para sa kanila. PRAMIS! >.<
Inalis ko sila sa isipan ko at tuloy tuloy na pumunta sa Dance Hall dala ang mixer ko. Nauna na dun ang mga tao ni Tita para ihatid at iset up ang mga pinahiram niyang gamit. Nag iwan din sya ng 3 na tech. sa buong week para naman daw hindi ko ko din daw ma miss ang ibang activities.
Halos lahat ay ngarag na sa pag aayos sa dance hall na parang ALL IN ang theme. Yung tipong lahat ng walks ng tao welcome, walang maghuhusga. Tas sinabit naming sa kada sulok ng Hall ang mga Pictures ng mga myembro.Naka frame siya tas nakalagay kung saang College siya galing. Kung Fine arts, IT, Engineering, Nursing, Education, HM, Tourism, etc etc. Ganun.. parang WALL OF FAME chu chu.
Binigay ko sa tech yung dala kong mixer at pumunta sa Prof nan aka assign sa pag monitor ng area namin. Maayos naman ang verdict niya samin at alam niya din na hindi kami gagawa ng kalokohan sa Event namin. Pagdating kasi sa bawal, strict talaga kami dun. Dati kasi may sumubok pumuslit ng beer at inilagay sa C2, ang resulta, pinabitbit naming sa bouncer palabas ng school.
Tumakbo ako kay Lois na halatang pagod na at nakapamewang na.
“Hoy Lois. Kaya pa ba?” tanong ko sa kanya sabay akbay.
“Hehe. Oo Z, pero Okay lang. Malapit na din to matapos.” Sagot niya sakin habang pinupunasan ang pawis sa mukha. Ghaaaaad! Why Oh Why He is so HAWT?!
Halos lahat abala sa pag aayos ng area namin. Takbo dito, takbo dun. Nakakahilo.. >.<
Umupo ako sa sahig at kinalikot ko saglit ang ipad ko para I check ang nasa check list nang biglang may tumabi sakin.
“Z! Liligawan ako ni Russel!” bungad niya sakin habang hawak pa ang dalawang kamay niya na tila ba kinikilig.
“Oh. Good for you! Diba bet na bet mo yun?” sagot ko naman sa kanya.
“Oo nga e. akala ko sa panaginip lang pero hindi ee. Thanks talaga Z! I owe you one!” sabi niya sabay yakap sakin.
Nginitian ko naman siya at nagpaalam na siya. Ako naman nagpatuloy sa ginagawa ko.
Dumating naman si Lois sa tabi ko na may dalang shake at inabot ang isa sakin.
Inabot ko naman ito at sinimulang sipsipin ang shake. Narinig niyang napalakas ang sipsip ko dito kaya napatingin siya at ngumiti.
“haha. Ano bay an Z? Dahan dahan. Kawawa ang straw.” Sabi niya habang nakangiting nakatitig sakin.
“Ewan ko sayo Lois. Haha wag ka pakialamero ha? Bastedin kita dyan ee.” Sagot ko sa kanya.
“Mahalin kita diyan ee. Kahit malakas kapa sumipsip okay lang. Pagpatuloy mo lang yan.” HIrit niya at napangiti ako dun.
Nagpa-alam siya saglit sakin at may kukunin daw siya sa Quarters. Tumango lang ako sa kanya at umalis na siya. Haay, gusto ko talaga si Lois. Ang gwapo, sweet, mabait, masarap este gwapo kaso nagpapakipot pa ako para naman babaeng babae. Hehehe!
Ilang sandali pa ay tinawag ako nila Alexa at nagpatulong saglit sa naka assign sa kanila. Hindi muna naming masyado inayos ang stage ay sa halip ay tinakpan naming ito ng Telon para hindi Makita ang nasa likod nito. (suspense)
Ilang saglit pa ay napagod na ang lahat at medyo gumagabi na din kaya after namin magmeryenda sa hinanda nina ate Chiki ay dumaan muna ako saglit sa locker ko para kunin yung gamit ko na nandun. Tinext ko na lang din si Lois na hintayin ko nalang siya sa may parking area.
Nasa may parking area ako nung nakita ko sila Russel at Selenity na magkasabay na umuwi. Hindi ko alam bat may kirot dala siguro to nung dati.. Ganyan na ganyan din kami dati ang kaibahan lang ay siya niligawan, ako WALA LANG.
Ilang saglit pa ay dumating na si Lois dala ang mga gamit niya at pumasok na kami sa sasakyan.
Uhm, Z. Sabi ni Axy, punt aka daw bukas sa bahay.” Sabi niya sakin habang nagmamaneho.
Tamang tama wala ang mga pinsan ko, dahil pumunta muna sa isa pa naming Tita at sa Lunes pa ang balik.
Pumayag naman ako at nakarating na kami sa bahay.
Niyakap ko si Lois pagbaba namin sa gate. Napatigil naman siya sa ginawa ko at ngumiti.
“para saan?” tanong niya.
“Para sa presence? Hehe. Sige na umuwi kana. Punta nalang ako bukas. Pakisabi kay Axy!” at pumasok na ako sa loob ng bahay.
-----------------------------------------------------
Maaga akong nagising dahil tawag ni Lois. Kinukulit daw siya ni Axy na tawagan ako para hindi ko makalimutan ang pagpunta ko sa bahay niya. Nasa Abroad pala ang mga parents nila Lois dahil dun sila nakadestino sa Canada. Ayaw lang sumunod nina Lois dun hanggat di pa siya nakakatapos ng college. Nandun kasi ang business nila. Malaki ang kompanya nila dun pero hindi mo halata kay Lois na ubod pala sila ng yaman.
Ilang sandali pa ay naglinis ako ng kaunti, at nagbihis na. Dinala ko muna kina Tita ang mga labahin saka tumuloy na kina Lois.
Pagkakita palang sakin ni Axy ay halos hilahin niya na ako palabas ng sasakyan. Si Axy o si Galaxy ang kapatid ni Lois. Nung una ko siyang Makita ay sinabiha niya ako na ako daw ang gusto niyang pakasalan paglaki niya. HAHA pilyong bata. ^_^
Pumasok kami sa bahay nila at pinaupo ako ni Axy sa dinning table. Binibida niya sakin ang niluto niyang adobo. Ayaw pa nga niya itong patikman sa kuya niya dahil ako daw ang dapat una makatikim nito. Grade 6 na si Axy at alam naman niya na nanliligaw sakin ang kuya niya. Basta ang alam niya ako daw ang ultimate crush niya hanggat hindi pa siya nakakahanap ng MAS ULTIMATE crush niya. Haha! Mga bata talaga.
Masaya kaming kumain ng tanghalian at tinulungan ko nang magligpit ng pinagkainan ang katulong nila. Hinila ako ni Axy sa Sala dahil may ipapakita daw siya saking new move niya sa sayaw. Sinundan ko naman siya at tinuruan ko din siya nung ibang steps na pwede niya idagdag dun.
Nang matapos kami ay umupo ako sa tabi ni Lois. Bigla naman siyang nagsalita nang : “Kaya nga gustong gusto kita ee.”
Sumagot naman ako ng “I know RIGHT.” Saka sinandal ang ulo ko sa balikat niya.
Nakatulog ako sa ganung posisyon namin. Hindi ko alam bat ang gaan gaan nang pakiramdam ko pag nasa paligid lang si Lois, pero pag si Russel naman ay bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Magkaiba nga sila, at nararamdaman ko yun.
Nagpaalam na ako kay Axy matapos ko siyang turuan muli ng dalawa pang steps. Inihatid na ako ni Lois sa gate.
“Hais, Z.. sana tayo na.” parinig niya sakin.
“hehe. Wag atat. Nangliligaw kaba o kumokota?” hirit ko sa kanya.
“Haha. Sir aka talaga. Bukas na ang Org Week. Sunduin kita ha?” sabi niya sabay yakap sakin. Napayakap din ako sa kanya at pumasok na sa sasakyan para magmaneho pauwi.
BINABASA MO ANG
#Assumera (on going)
Teen Fiction#Assumera formerly Summer Love ** some parts are based on my personal experience pero syempre medyo may twist nang konti. ** First time ko sumubok magsulat kaya medyo hindi pa ganun ka pulido PERO effort and effort and effffffffooooooorrrrrrrtttttt...