#Assumera 33: My Prince is gone Forever

103 4 1
                                    

“Wala ka na aking prinsipe.. iniwan mo na ang iyong prinsesa..”  at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Hindi ko pa din lubos maisip na patay na si Lois.. patay na ang aking prinsipe. Magdamag kong pinakinggan ang huling mensahe niya sakin. Gulong gulo pa din ako sa bilis nang pangyayari. Nung nakaraang gabi lang ay hinaharana niya ako sa Skype.. pero ngayon ni anino niya hindi ko na makikita kahit kelan. Nagising nang husto ang ulirat ko nang katukin ako si Zeal para mag agahan. Bumaba naman ako hawak hawak pa din ang cellphone ko nagbabakasakaling tawagan niya ako.. nagbabakasakaling buhay pa ang prinsipe ko.

Damihan mo ang kain Z.. ayaw niyang konti lang ang kinakain mo.”  Pagbasag ni Zeal sa katahimikang bumabalot sa lamesa.

Nagkibit balikat lang ako at inubos ang nakalagay sa plato ko. Pinanood lang nila ako ni Diossa na ilagay ang pinagkainan ko sa lababo habang pigil na umiiyak pero hindi talaga maiwasang tumulo ito. Lalapitan sana ako ni Diossa nang pigilan siya ni Zeal.

Umakyat na ako uli sa kwarto ko at nag ayos. Madami akong natanggap na mensahe galing sa mga kakilala ko.. alam ko ano ang laman nun at ayoko nang basahin dahil mas masasaktan lang ako. Kinuha ko ang cellphone ko na nakalapag sa bedside table at pinasok na sa bag. Bumaba na ako dahil February 14 ngayon at may event ang school. Hindi ko pwedeng indianin yun dahil alam kong mgagalit si Lois kung hidi ko yun sisiputin. Tinungo ko ang garahe para sumakay sa sasakyan ko ngunit pinigilan ako ni Zeal.

Ihahatid na kita Zep..”  sabi niya habang hawak ang braso ko.

Kaya ko pinsan. Wag kang mag alala..”  sabi ko sabay bigay nang pilit na ngiti.

Wag mo lang ibabangga ang sasakyan mo ha! Sayang! Lagot ka kay tita niyan!”  pagbibiro ni Diossa sa may pintuan.

Haha.. Sira ulo ka. Hindi ko ito ibabangga wag kang mag alala.”  Sabi ko sa kanya at inistart na ang kotse.

------------------------------------------------------------------

Nakadating na ako dito sa school at pinapunta agad ako ni University Head sa office niya.

*tok tok tok*

Pasok ka..”  sabi ni Mr. Dela Torre.

Pinapapunta niyo po ako Sir.”  Sagot ko sa kanya sa malungkot kong boses.

About what happen to Mr. Santos.. We have called his father to confirm the news. And sadly, he confirmed that Mr. Santos passed away yesterday in a car accident on his way to the airport. .. Condolences Ms. Villeta.. We are very sad for his loss. He is a a very bright student and he may have done more brilliant things ----------“  sabi ni Mr. Dela Torre pero di ko na pinakinggan. Ayokong makinig sa sinasabi niya dahil nasasaktan ako lalo. Hindi ko napigilang lumabas ang luha ko at agad niya naman akong inabutan ng panyo. Ilang saglit pa ay nagpaalam na ako sa kanya dahil kelangan ko nang pumunta sa field para masama ako sa attendance bago  mag uumpisa ang event. At gaya nga ng sabi ni Mr. Dela Torre, ipapaalam niya dun ang pamamaalam ni Lois.. ng prinsipe ko.

Paglabas ko palang sa office ni Mr. Dela Torre ay agad akong sinalubong ni Sky ng isang yakap. Hindi ko mapigilang humagulgol sa balikat ng bestfriend ko. Hanggang ngayon hindi pa din nag si-sink in sakin ang katotohanang patay na ang prinsipe ko.

Inakay niya ako papuntang Open Field kung saan nandun na lahat ng estudyante at naghihintay na pormal nang buksan ang event. Ilang sandali pa ay umakyat na si Mr. Dela Torre para magbigay ng talumpati at ipaalam ang pagkamatay ni Lois.

#Assumera (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon