".. Athena, I love you.. this much,, Unjaena, Youngwonhee.."
*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNGGGGGGG*
Teka. Anong tunog yun? Parang wala naman sa scene yun ah. Napadilat ako at tumingin dun sa pinangaggalinan nung maingay na tunog.
7:00am
Napalundag ako sa kama bigla nung makita ko yung oras. Tumakbo ako sa study table ko at chineck ang registration form ko. 7:30 am ang first class ko!
"TANGINES! TANGINES! Shit late na ako nito!"
Tumakbo ako sa banyo at naligo ng mabilisan. Maliligo nalang ulit ako pag-uwi ko mamaya. Usually kasi isang oras ako maligo, pero wow grabe. 5 minutes na ligo lang ginawa ko, kaya parang ang dumi parin ng katawan ko.
Humarap ako sa salamin at nag-toothbrush. Habang nag-totoothbrush, nag-aayos na din ako sa buhok ko. Tinitigan ko sarili ko sa salamin. Grabe. Maga parin mata ko kakaiyak dun sa nabasa ko sa wattpad. Yung "She's dating the gangster." Grabe pag nabasa niyo rin siguro yun ay nako! Mixed feelings ang mararamdaman mo. Kilig. Tapos maiinis ka dun sa bidang lalaki. Tapos sa huli, namatay yung girl. Tapos, nagpakamatay ata yung guy? Ay ewan. Basta nakakaiyak yun! Sana may book 2 yun.
Bumaba na ako sa kusina. Humigop ng konting mainit na kape at humablot lang ng pandesal, tapos tumakbo na ako palabas.
"Nak! Di ka ba mag-aalmusal ng maayos?!" sigaw ni mommy.
"LATE NA AKO MA! TEXT KITA PAG PAUWI NA AKOOOO!"
Sana talaga hindi traffic. Tae. Napa-special pa ako sa tricycle kanina. hassle. Ang mahal kaya pag special. :| Ilang minutes kaya kalayo yung University na papasukan ko? Sumakay na ako ng jeep. Nagbayad na ako.
"Bayad po. Isa pong istudyante."
ay pota. walang nag-aabot. 'MANONG CATCH!' gusto ko tuloy isigaw yun. Yung lalaking katabi ko, nakatalikod sakin. nakabonet na, naka-earphones pa. ayos. Kaya di rin siguro ako marinig. Kaya inulit ko. Mas malakas. With matching ubo ubo kunyari.
"AHEEEMMM. BAYAAAD NGA PO! ISANG ISTUDYANTE!"
napalingon lahat. Pati na yung lalaking katabi ko. Yung tingin niya sakin parang nakakatakot. Pero kinuha na rin niya at inabot yung bayad ko.
Di pa nga pala ako napapakilala sa inyo noh? Ako nga pala si Mariz Angelou Macduffe. They call me Mariz. pero my family and closest friends call me MAM. Kasi initials ko yun. :) 17 years old. Half british here. Pero I speak tagalog fluently. Maybe because I didn’t grew up with dad. Broken family eh. Ganun talaga. The last time I saw him.. hmm. Ay oo. tandang tanda ko pa yung araw na di niya kami sinipot sa Graduation ko. Grade 6 going 1st year highschool na ako nun eh. When we went home, may letter na dun. Sorry daw. yun lang yun. sorry. And he never came back. Drama ko.
7:25 am
ay tangina. malayo pa ba? malelate talaga ako nito eh. Ayan na. natatanaw ko na.
BINABASA MO ANG
Accidentally in Love.
Teen FictionA story of two strangers. How their world collided. And how they ended up being ACCIDENTALLY IN LOVE.