Chapter 17: Gentleman (MAriz's POV)

1.8K 62 0
                                    

Naalipungatan ako around 4am. Pagtingin ko sa tabi ko, wala si Joseph. Napaupo ako. Tska ko lang narealize iba na damit ko.

Ay putangina. Si Seph naalala ko na! Siya nagbihis sa akin. Pero paano nya na-overcome? Teka, asan ba siya?

Tumayo ako at naglakad. Nakita ko si Seph na nakahiga sa sofa. Napangiti ako. Nilapitan ko siya. Di ko maiwasan na titigan siya. Talagang nagbago na nga siya. Ang gentleman niya sobra. Napapaisip talaga ako paano niya naovercome na bihisan ako ng di ako ginagalaw? Eh madalas nga niya ipaalala sa akin na lalaki din siya at natutukso din.

Mahal niya talaga ako kaya nirerespeto nya ako. Ano ba yan. Napapangiti na naman ako ni Seph. Kumuha ako ng kumot at ikinumot ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo at bumalik na ulit ako sa kama para matulog.

------

1 hour lang ata ako nakatulog at nagising ako ng maaga. Tulog pa si Joseph kaya wala akong makukulit. Pumunta ako sa kitchen at naghanap ng pwedeng gawin. Makapagluto kaya ng breakfast? hmm.

Naghalungkat ako sa mga cabinet pero ang tanging nandun lang ang isang box ng pancake. Ano ba yan. Anong klaseng hotel to. Pero pwede na rin. Kinuha ko ito at nagsimula na gumawa ng batter. Isinalang ko yung pancake mix sa pan at gumawa ng heartshaped pancakes.

Wala akong makitang syrup so gumawa nalang ako ng improvised. Nag caramelized nalang ako ng brown sugar. After nun, nagtimpla ako ng kape para sa amin dalawa. PAgkatapos ko gumawa ng breakfast, pinuntahan ko agad si Joseph para gisingin. Tinitigan ko muna siya at binulungan sa tenga.

Good Morning babe. Thank you sa pag-alaga mo sa akin. Love You. Tara breakfast na tayo.

Kaso nag 'hmm' lang siya. Ano ba yan. Ang haba ng sinabi ko tapos yun lang? hay nako. Patayo na sana ako ng biglang niyakap ako ng mahigpit.

Ano ka ba. Narinig ko yun. Love you too babe. Wala yun ano ka ba.

Ngumiti ako at hinalikan siya. Sabay alis papuntang kitchen. Tumayo na din siya at sinundan ako. Nagulat at natuwa siya nang makita na nakaprepare na ang breakfast.

SUPER THANK YOU BABE! Sarap nito siguro.

Natuwa ako at nagustuhan niya. 

Babe, ikaw ba nagpalit ng damit ko?

Nagblush siya at ngumiti.

Thank you ha at natiis mo. Yaan mo, babawi ako sayo someday.

Nako! Dapat lang! Ang laking pagtitiis ginawa ko para lang mapalitan ka ng damit! Pasalamat ka gentleman boyfriend mo!

THANK YOU TALAGA!

----

writer's message:

Sorry! sobrang short lang! pero at least na-update ko na ulit to :DD

Accidentally in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon