Ang ingay niya kasi! Ayan tuloy. Di ko na kaya yung pressure eh.. hay. Mag-oopen up nalang ako. Para makabawi ako sa kanya. tutal, parang siya naman yung taong mapagkakatiwalaan eh..----------------------------------------------------------
"Gising ka na pala."
Ang tanga naman ng sinabi ko. Nagalit ako, kinuha ko siya. Tapos yun lang sasabihin ko? Dapat nag-sorry nalang ako. Tanga eh. :| Pwede akong makasuhan ng kidnapping nito. Hay bahala na nga. Nakatingin lang siya sakin. Siguro takot parin. Sige na nga. Ako na mag-first move.
"uhm. Sorry, nadala lang talaga. Siguro kasi, I was too stressed at the moment."
Lumapit siya. Tumabi sakin. At least, nabawasan naman ng onti yung takot niya.
"Sana, sinabi mo nalang. para di na ako pumalag. Para kusa nalang akong sumama."
Umiyak ako. Tanginang buhay to. Bihira lang ako umiyak. Pero bakit ngayong nasa harap pa ako ng babae. Ang bigat na kasi eh. Di ko na kaya."umiiyak ka ba? tanong niya. Pinunasan ko agad luha ko. Baka sabihin nitong bakla ako. Tska pagtawanan pa.
"Hindi ah. Wala to." tumawa siya ng pigil. Alam ko yun. Halos mamula mukha niya sa pagpipigil eh. Pero tumigil siya.
"Di nga? Seryoso ako. Sige na sabihin mo."
"Di ko na kaya. Si Micah.. yung dad ko.. yung pagkuha ko ng course na di ko naman talaga gusto."
"Teka? si Micah? anong meron?"
"She's my ex. 1st girlfriend actually. and i never had any other girls after my relationship with her."
Wow. ang dami ko na atang nasabi. pero ang sarap sa pakiramdam na may nasasabihan ako. Kahit sila Mark kasi di ko nasasabihan. Feeling ko pagtatawanan nila ako. Pero siya.. Si Mariz. I don't know. Ang gaan ng pakiramdam ko... oh well. Siguro kanina hindi.. Stressed lang talaga. Nakatingin lang si Mariz sakin. shocked ata na ex ko si Micah."Highschool lovers kami. Sabi nga nila, forever na daw kami eh. Pero hindi eh. May nangyari."
"ha? i'm confused seph. Anong.. nangyari sa inyo?"
"Chinese si Micah eh. And her parents follow the traditions parin kahit na modern typed chinese na sila... And since hindi ako chinese or may lahing chinese, inayawan ako ng family niya. Friends lang daw. Hanggang dun nalang yun. fixed marriage siya ngayon. And and sakit makitang parang masaya siya dun sa 'soon to be husband' niya."
Wow. sobrang ngayon ko lang nakwento to. Kung tutuusin, stranger parin tong si mariz sakin. Di nga namin nakwento kahit sa barkada yung totoong reason eh. Ang sinabi lang namin, it didn't work."Sorry."
"Ha? ano?" nagbingi-bingihan ako. pero i heard her clearly.
"Wala. tama na. next problem na ngaaaa. ang emo eh. di bagay."
"ayun. yung dad ko. He's gonna marry Tita Sheila." Naging blank stare yung reaction ni Mariz. Parang may iniisip.
"di ka naman nakikinig eh."
"i am. ikakasal dad mo... by the way, who is this "tita shiela" and where's your mom?"
"Tita Sheila? Oh. Dad's girlfriend? Fiancee maybe. And Mom? She left us na and she's happy na doon oh." tinuro ko yung langit. Ang daming kumikintab na stars. Napangiti ako. Pero nalungkot ulit.
"Mula nung inopen niya yung topic na magpapakasal siya soon, di ko na siya naging close. Close kami dati. Okay lang naman kasi na mag-girlfriend siya. Date date. Di ko lang kayang isipin na may papalit na sa pwesto ni mommy."
"uhm. i hope you don't mind, pero anong reason ng pagkawala ng mom mo?" tinanong niya ako ng ganyan. hay..
"she's one of the victims dun sa hi-jacking incident sa twin tower."
"oh. sorry talaga. joseph, okay lang naman na wag mo na sabihin sakin."
"hindi. okay nga to eh. may pinaglalabasan ako ng problema. tska manahimik ka muna! makinig ka kasi.." she had the worrying look painted on her face.
"okay lang ako ano ba. ayun nga. yung course kong to? di ko gusto. Medicine ang gusto ko talaga. haaaay okay na ako. tara na?"
nakatitig sakin si Mariz. grabeeeee. nakakahiya talaga to"okay na ak---"
yakap. niyakap niya ako ng mahigpit. Di ko napigilan at napaakap na din ako. Tapos siguro sa sobrang confused at lungkot ko, at tsaka sa sobrang saya ko na may napagkwentuhan ako ng problema. Nahalikan ko siya. Oo, sa labi.
"uhm tara na?"
"uhm Mariz.. sorry." Pero pumasok na siya sa loob ng kotse. Ang tanga ko. bakit ko nagawa yun. Hinatid ko siya sa bahay nila.
"uhm Mariz..?"
"sssshh. salamat ah. At ako yung napili mong pagshare-an ng kwento. sige see u tomorrow."
"see you."
BINABASA MO ANG
Accidentally in Love.
Teen FictionA story of two strangers. How their world collided. And how they ended up being ACCIDENTALLY IN LOVE.