"JOSEPH! WAKE UP JOSEPH! SCHOOL TIMESON!"
"I'm Awake Dad."
HAIIISSSSHHT. Tanginang boses yan oh. Distorbo, ayaw ko pa pumasok eh. Tae. Hangover. Teka wala ako maalala kagabi. Paano kaya ako nakauwi dito? Makaligo na nga lang. Sakit sa ulo eh.
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Haaaaay! Sarap maligo. Sarap sa feeling. okay na siguro ako. Asan na kaya yung bonet ko? Ay ayun! Teka, dyahe. Nakalimutan ko iupdate playlist ko. Makapag-almusal na nga.
"Good morning son! Come on, sit down here and have some breakfast"
Single dad na si daddy. Iniwan na kasi kami ni mommy. I mean, she's in heaven na. She was one of the thousand victims who died from that twin tower hi-jacking incident.
"Joseph anak. I really need to talk to you. You went away when your tita Sheila arrived last night. I mean, it's been years since your mom left us."
"Speak dad."
"Me and your tita Sheila are getting married"
Natigilan ako sa sinabi niya. Di ko napigilan. Kahit di pa ako tapos kumain, tumayo na ako. Kinuha ko na yung bag ko, sinuot yung bonet at nag-soundtrip nalang. Alam kong tinatawag ako ni dad pero para saan pa na makikinig ako? Gusto niya palitan si mommy. At yun ang di ko matatanggap.
Naglakad ako palabas ng village at sumakay na ng jeep. Badtrip naman tong simula n araw ko.
"Bayad po. Isang istudyante."
Haaaay ang dami talaga gumugulo sa utak ko--
"AHEEEMMM. BAYAAAD NGA PO! ISANG ISTUDYANTE!"
pota. Ang sarap sampalin ng babaeng to ah. Tinitigan ko siya ng masama, pero pasalamat siya inabot ko parin yung bayad niya. Hay. school na naman. Napilitan lang naman akong mag business management eh.
Ako nga pala si Joseph Monteverde Takahashi. 18 years old. May younger sister ako, she's 14. Aba. Dito rin pala nag-aaral tong babae na to. Makababa na nga din.
Dumederetso yung babae tumawid, di man lang tiningnan kung may sasakyan o wala. Sobrang nagmamadali. Nakayuko pa. Ang bobo naman eh. May truck na parating aba wala ba tong balak tumakbo? Ang bopols naman!
Di ko alam. Bigla akong tumakbo tapos hinila ko siya. Whew! buti nahila ko agad siya. Binitawan ko agad yung kamay niya. Ano ba yan. Bakit titig na titig sakin to. Ang awkward tae.
"hmmm?"
Tapos tumawid na ako. Pumunta muna ako sa CR kasi ang panget na ng buhok ko, ang hangin kasi sa jeep. Pagkalabas ng CR, nakita ko sa lobby yung babae kanina. May hinahalungkat sa bag. Tapos parang maiyak-iyak na siya. Hay kahit kailan. Ano na naman ba problema nito?
"Miss, anong course mo ba?" tumingin lang siya sakin. Ano ba yan, nakakailang talaga.
"Miss hello? Anong course mo ba?" inulit ko nalang.
"ha-haaa? uhm. Business Mngmt."
"Mukhang nawawala ka eh. kanina pa kita tinitingnan. Samahan na kita. BM din ako."
Tae. bakit ko yun nasabi? Ang bait ko ata.
"Freshmen? New student? Transferee? 2nd courser?" Tinanong ko nalang siya agad. Sana talaga hindi siya ka-year level ko, nakakairita lang. Please. Please. Please.
"freshmen. Transferee. " Ay pota. Okay sana, di ko siya blockmate.
"Ano ba room mo? O kahit man lang subject?" aba. tumungo lang. Tangina. mukha sasamahan ko pa sa dean's office ah. Shit, nag-ooffer pa kasi ako. UGH!
"haissssht. sige samahan na kita sa Dean's office." "na-na.. naiwan ko kasi yung reg.form ko. sorry ha."
ewan ko ba. Di ko siya sinagot. Sinong tangang new student ang mag-iiwan sa reg. form niya? Bobo talaga. Kausapin ko na na yung registrar dun sa front desk. Pinaupo ko nalang siya sa sofa.
"Good morning. Uhm. Pwede makakuha ng sched? kasi yung new student na kasama ko, naiwan niya yung reg. form niya."
"Full name po?"
"Wait"
Pinuntahan ko yung babae, tinanong ko name niya.
"Mariz Angelou Macduffe." Ito na. binigay na sakin yung copy ng reg. form niya. AY POTANGINA. Section A din siya. :| ugggggh. easy seph.
"Room 321. Gen. Psych." ngumiti siya. siguro iniisip nito trip ko siya.
"Blockmates pala tayo. Tara na. Sobrang late na tayo."
hay late na naman. umalis nga ako ng maaga eh. na-late naman ako dahil sa babaeng to. Pumasok na ako ng classroom. Umupo na ako dun sa likuran, dun kasi kami nakaupo ng tropa ko.
"Chicks mo pre? Ayos ah. 1st day, may bago ka agad. New student pa." hirit ni Basti sabay nag-appear sila ni Mark.
"ulol. nope. not my type. toooooo conservative" Nag-soundtrip na agad ako. Tapos bigla akong siniko ni Lance. Nakatingin sakin yung prof.
"Mind introducing her to us Mr. Takahashi? Seems that you two already know each other because you came in late with her." tangina naman talaga oh. lakas trip ng mga tao eh. kaka init ng ulo.
"Ma'am. I apologize for being late. I helped her. She forgot her registration form and doesn't even know what her first subject nor her room number."
"Then introduce her to us."
Hay letse! Hingin nalang niya kasi yung name. nasa master list naman yun. Pa-uso na naman tong prof na to.
"Guys! Meet Mariz Angelou Macduffe. Transferee."
Umupo na ulit ako. Ngumiti siya. Umiwas ako ng tingin.
"I won't be discussing any lesson today. Just for today. You can chitchat ang get to know our new students here." Walang klase? bakit di nalang niya kami i-dismiss agad? ABA! inang buhay to. Umupo ba naman sa tabi ko! Dyahe. Ano ba naman tong sila Mark. parang ngayon lang nakakita ng babae. Trip nila yang babae na yan? tsss. low class type.
Naririnig ko, parang iniintroduce ako ni Micah kay Mariz. Ano ba tong si Micah. Move on na ba talaga to sa akin? Ako nga di ko pa tanggap na wala na kami. 1st gf ko siya.
"okay class. dismissed." Wow. ganun lang yun? badtrip!
"Tara na guyyssss!" hiyaw ni Abigail. Una na akong tumayo. Nilingon ko sila, nakaupo parin si Mariz. Pero biglang hinablot siya ni Mark tska ni Basti.
"Tara na baby deaaaar!"
"Aba. tayo na diyan gorgeous!"
Feeling close talaga tong mga to pag sa babae eh. Lumabas na kami. Ang ingay nila mark, nakikipag-harutan kay mariz ata. Sino ba tong babaeng palapit sakin?
BINABASA MO ANG
Accidentally in Love.
Teen FictionA story of two strangers. How their world collided. And how they ended up being ACCIDENTALLY IN LOVE.