Marami ang naghahanap ng tunay na pagibig
Mapalad ka sapagkat una pa lang nakilala mo na siya
Ang lalaking magpapangiti sa iyo
Ang lalaking iintindihin ka kahit na daig mo pa ang climate change
"you're so unpredictable"
Pabago-bago ang isip at mood
Kahit na demanding ka at sumpungin
Walang tigil siya upang ika'y suyuin
Tanga ka ngang maituturing dahil pinakawalan mo pa ang gaya niya
Ilang beses ko bang kailangang iumpog ka sa semento ng matauhan ka naman
Besh! Bihira ang gaya niya...
Matalino, mabait, maalalahanin , maalaga , mapagmahal at higit sa lahat ikaw lang....
Ikaw lang ang mundo niya.
Pero ikaw dinaig mo pa ang solar system sa dami ng planetang umiinog sa'yo.
'It's not you, It's me' So? Feeling mo teleserye ang storya niyo?
Ang sabi hahanapin mo lang ang iyong sarili, Ano teh? Lokohan? Magulat ka kapag nakasalubong mo sarili mo.
Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip ng tao.
Hiniling si forever nang dumating tinook for granted....sinayang....tinapon
Ngayon magpopost ka sa fb ...'nagmahal, nasaktan....nagfacebook'
Oh diba parang tanga lang?
Kung sino pa ang nagmamahal ay siya pang naiiwan
Tamang rason ba ang iwan siya dahil sawa ka na?
Dahil ba daks o dahil jutay siya?
Kaya ng wala ka ng mahuling isda binalikan mo ang basurang minsan mo ng tinapon
Hiniling mo na sana kayo na lang uli.
Ang relasyon hindi yan bagay na pwedeng irecycle......mairecycle man asahan mo hindi na yan gaya at sintibay ng dati.
Kaya kung nakita mo na si the one.....wag ka nang maghanap pa ng no.2 ...' Wag mo nang ubusin ang numero.
Mahalin at pahalagahan kung ano mang mayroon kayo ng sa huli hindi ka uuwi ng luhaan at magmumukhang tanga.
YOU ARE READING
Utterless (2020 collection)
Poetry#random Message : Sinong nagsabing kambing lang pwedeng humugoat? -mei zhou tou 😙