Walang sinuman ang sigurado sa buhay. Lahat tayo ay nangangamba kung ang lupang tinatapakan natin ay totoo, hindi isang kumunoy na hihila sa atin palubog sa kung saan ang lalim ay hindi batid. Lahat tayo ay takot sumubok ng mga bagay na bago sa atin. Mas bago sa pakiramdam mas nakakatakot suungin.
Magpaalam na tayo sa ating sarili. Patayin na natin ang takot sa ating sarili. Mas maging matalino tayo sa pagpili ng taong sasamahan. Mas maging matalino tayo sa pagpili ng daang tatahakin.
Habang lumalaki tayo sa mundong walang kasiguraduhan ay marami tayong nagagawa at hindi nagagawa. Maraming bagay, alaala at tao ang ating pinanghihinayangan.
Totoong nakalilito alin nga ba ang mas nakakapanghinayang...Ang pinili mong hindi gawin ang isang bagay at sa huli'y pagsisihan dahil pinalampas ang isang pagkakataon.
O
Ang panghihinayang dahil ginawa mo ang isang bagay na sana hindi na lamang nangyari.
Alin sa dalawa ang mas masakit? Alin sa dalawa ang mas nakakapanghinayang?
Walang makapagsasabi dahil ang totoo alin man sa dalawa ay parehong nagdudulot ng sakit at panghihinayang. Maraming 'what if' ang paulit-ulit na gugulo sa ating isipan. Ang mahalaga ay may natutuhan tayong aral. Hindi mali ang magkamali nang isang beses o dalawang beses. Ang mali ay kung paulit-ulit na madapa sa parehong pagkakamali.
Sa ating pagkakadapa ay matuto tayong tumayo gamit ang sariling paa.
Sa susunod na makaharap ang multo ng nakaraan huwag natin itong takasan. Harapin ang lahat kasabay ng pagpili ng parte ng buhay na ating ibabaon na sa nakaraan.
YOU ARE READING
Utterless (2020 collection)
Poetry#random Message : Sinong nagsabing kambing lang pwedeng humugoat? -mei zhou tou 😙