Sa mga batang hindi pa nabubuo;
Sa mga itlog na hindi pa napipisa,
Sa mga magiging anak ko,
Si nanay ay may chika.Ito ay kwento ng dalawang pabebe.
Dalawang haliparot;
ang lampungan ay messenger at peysbok.
hulaan niyo sino ang unang humarot?Nagsimula ang lahat sa simpleng heart react,
Sumunod ay pm, "paki like naman";
pakisuyo niya.
Ang nanay niyong engot;
kinilig sa simpleng "paki like".Dahil may harot sa katawan ang inyong ina,
ayun pasimpleng chat rin ang gaga.
"Sa friend mo?"
Tumagal pa ang usapan.Ganun kadali ang lahat,
nahulog kami sa kumunoy ng landian.
Panay landi na wala namang label.
Ganyan kami kaharot.Ngayon alam n'yo na kung paano ako nilandi ng tatay n'yo.
-future mommy
YOU ARE READING
Utterless (2020 collection)
Poetry#random Message : Sinong nagsabing kambing lang pwedeng humugoat? -mei zhou tou 😙