Hesukristo

12 5 0
                                    

Ipinanganak sa isang sabsaban.
Tatlong hari sa aki'y nagsidalaw
Aking kapanganakan kanila'y nasaksihan.
Bawat ngiti'y singliwanag ng panglaw.

Si Maria, isang tao.
Siya ang inang bumuo sa'king pagkatao.
Hesukristo ang aking ngalan.
bigay nang naglaan.

Hindi ako ang panginoon.
Huwag ni'yo ako gawing poon.
Pagsamba'y hindi nararapat sa akin.
Ang ama; siya dapat kilalanin.

Ako'y biyaya ng maykapal,
alay para sa sangsinukuban niyang mahal.
lalang ang pagmamahal; Sa krus ako'y nagpapako.
Upang linisin ang bahid ng kabuktutan; iyan ang aking pangako.

Hindi ako namatay upang sa langit magsimula.
Hindi ako namatay upang iwanan ang mga himala.
Hindi ako namatay para iisang tao;
namatay ako para sa lahat; para sa inyo.

Utterless (2020 collection)Where stories live. Discover now