Lapis panimula

42 10 0
                                    

Hindi man kita pansin ng ako'y magmulat.
Mahalaga'y kasama ka na sa pagdilat.
Naiiba sa lahat ng aklat, kaibang pabalat;
Na ako mismo ang naglapat.

Ika'y laman ng aking bag na ala maleta.
Kasa-kasama ka lagi sa eskwela.
Pantapal sa guro na mabuka;
Sa klaseng puro wento la namang wenta.

Ikaw ang lagi kong gusto mahawakan.
Ikaw ang gusto kong patungan.
Ire' kamay na pagguhit lang ang kaalaman.
Ikaw lang gusto kong sulatan.

Naalala ko pa noon, sa isang bahay.
Naganap ang drama ng aking buhay.
Hawak kita sa aking kamay.
Ika'y nadulas, sumalo'y ibang kamay.

Lapis ang naging daan upang ika'y mapunan.
Ikaw! sketch pad ang nagsilbing tulay.
Upang tadhana ko ay matagpuan,
Na siyang nagbigay kulay sa' king buhay.

Ngunit gaya ng lapis na may hangganan.
Sketch pad na nauubusan;
Pamburang napupodpod;
Tintang natutuyo.

Pag-iibigan nami'y nagkalamat.
Pinilit ko na lagyan ka ng ilan pang pahina.
Gaya ng muling pagpatawad,
umaasang kami ay magtatagal pa.

Sa puntong paulit-ulit kang napupuno.
Nakakasawa rin palang magpalit ng papel.
Mas nakakasawa ang paulit - ulit na maging papel.
Nakakaubos ng pera, parang siya nakakaubos ng pasensya.

Naisip ko bakit hindi na lang kita itapon?
Hindi ko pala kayang kalimutan,
ang mga ala-ala na ating pinagsaluhan. 

Panahong hindi pa sawa saking kanlungan.

Noong blangko ka lapis ang nagbigay daan.
Pambura ang luminis ng kamalian.
Ikaw ang kumumpleto sa buhay kong walang laman.
Pero ikaw din ang dahilan ng pagsasara ng pahina sa aking buhay.

Utterless (2020 collection)Where stories live. Discover now