Mahal kita.
Mahal mo ako.
Akala natin tayo hanggang dulo,
pala'y may ibang plano ang may likha.Ang ikaw at ako'y hindi na magkakatotoo.
Ang pangarap na pamilya ay hindi na mabubuo.
Sa iba na umikot ang dati kong mundo.
Masakit pala kapag tadhana ang naglaro.Sa loob ng mahigit sampung taon.
Mga ngiti mo ang aking baon.
Ikaw ang aking pahinga.
Ikaw ang aking bawat paghinga.Nagkita tayo muli sa dating dambana.
Ang dambana na saksi ng ating ligaya.
Ngayon ay saksi ng iyong pagligaya
sa piling ng iba habang ako'y naiwang mag-isa.Masakit man; aking napagtanto,
wala sa tagal ng pagsasama.
kahit ako man ang laging nasa tabi mo,
Sa iba pa ka pa rin pala sasama.
YOU ARE READING
Utterless (2020 collection)
Poetry#random Message : Sinong nagsabing kambing lang pwedeng humugoat? -mei zhou tou 😙