Ikaw ang dahilan nitong ngiting sumisilay.
Ikaw din ang malalim kong lumbay.
Ikaw ang mababaw na saya.
Sa'yo ako'y hindi magsasawa.Kung paanong kay hirap na ika'y makita
Samantalang kay daling mawala.
Kanina lamang ikaw ay nasa aking palad
Ngayon ikaw ay nasa ibang pugad.Ako'y napapaluha sa mga alala;
Ikaw ang siyang laman ng pitaka.
Sa tuwing sumisilip ang iyong ngiti
Ako rin ay napapangiti.May pagkakataong ikaw ay nag-iiba.
Madalas ikaw ay kulay kahel at pula.
May pagkakataon ring kulay lila at berde.
Ang pinakagusto ko sa lahat ay ikaw na kulay dilaw o di kaya'y asul.
YOU ARE READING
Utterless (2020 collection)
Poetry#random Message : Sinong nagsabing kambing lang pwedeng humugoat? -mei zhou tou 😙