"Zach, we've decided to get an annulment" nakayuko lang ako noon habang sinasabi nila saakin ang mga katagang iyon. Alam ko naman na hindi na sila magkasundo sa mga bagay bagay pero sana man lang inisip nila ako. Panu ako? hindi ba nila ako naiisip sa desisyon nilang iyon. Hindi ba nila alam na masasakatan ako sa gagawin nilang paghihiwalay. I'm just an 8 years old boy then, hindi ba nila inisip na ang bata bata ko pa para maranasan ang ganitong sakit!
Alam kong hindi ako dapat magalit pero PAANO? paano ko gagawin iyon?.. sabihin na nating hindi sila nag kulang sa mga materyal na bagay. Oo, lumaki ako sa karangyaan dahil sa kanila. Lumaki ako na kinaiinggitan ng mga batang katulad ko. Hindi ko alam kung bakit sila naiinggit sa estado ng buhay ko. Ang buhay kung puno ng kalungkutan. Hindi ba nila iyon nakikita? Hindi ako masaya!
Namulat na lang ako isang araw, ako na lang pala ang nakatira sa malaki naming bahay kasama ang mga tagapagalaga ko. Lumaki akong sila lang ang kasama. Lumaki akong walang inang nag aaruga at nagmamahal sa akin. Hanggang sa puntong nasanay na ako sa ganitong buhay. Nasanay na akong mag isa. Lumaki ako na punong puno ng hinanakit ang damdamin ko. Lumaki akong uhaw na uhaw sa pagmamahal ng isang magulang.
Hannggang sa lumipas na pala ang sampong taon.. pero bakit ang bigat bigat pa din. Bakit hanggang ngayon dala ko pa rin ang sugat sa nakaraan ko. Akala ko manhid na ako. Akala ko bato na ang puso ko. pero bakit sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayaring iyon sa buhay ko ay hindi ko maiwasang makadama pa din ng sakit...
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Big Mistake
Teen FictionI'm Zachary Valencia at ito ang kwento ko at kung gaano ako ka bobo na pakawalan ang nag iisang babaeng magpapatibok pala ng puso ko..