Amanda's POV
Nakalabas na ako ng tambayan nila Calvin pero kilig na kilig pa din ako! hay.. kahit pala masama ang salubong saakin ng umaga ko kanina eh! ok lang kung ang gwapong mukha naman ni Calvin ang bubunggad sa akin at mag liligtas.. ang saya naman. halos tumatalon talon ako habang nag lalakad nang bigla nalamang----
"Aray!!" isang lata ng softdrinks ang nakatama sa akin bi9gla ko naman nakita ang derekyon kung saan nag mula ang latang iyon na sa hinala ko sadya talagang binato sa akin!
Agad ko namang nakita ang nakatawang mukha ng pervert na yun!
'hoy! anu bang ginagawa ko sayong masama ha?! Ang sama talaga ng ugali mo.."
"anu naman kung masama ang ugali ko?"
"Wala akong pakialam kung gaanu ka pa kasama.. okay.. ang akin lang huwag mo sa akin ibunton ang kasamaan ng ugali mo.. okay" mataray kong sabi.
"eh sa ikaw ang nakita kong pakalat kalat dyan.. malay ko bang ikaw yun." sabi nya habang walang karea-reaksyon ang mga mata..
"Ahh, ganun! itong bagay sayo" sabi ko sabay bato ng latang ibinato nya sa akin kanina..
At ayun sapol na sapol nga sa mukha nya yung lata na ibinato ko at agad na akong tumakbo palayo sa kanya...
"HOY!! BABAE BUMALIK KA DITO MAGBABAYAD KA!" narinig ko pang sinabi nya habang tumatakbo ako..
Zach's POV
"oh! Zach anung nangyari sayo?" natatawang tanung ni James..
"tumigil ka nga dyan James." saway naman ni Benj sa kanya.
"Pero bro, seriously, anung nangyari sa mukha mo?" tanung ni Benj
"Binato lang naman ako ng babaeng Amasona na yun, walanghiya sya pa lang talaga nakakagawa sa akin nito humanda na talaga sya.!" sabi ko habnag hawak-hawak pa din ang mukha ko.
"Baka naman kasi may ginawa ka na naman kay Amanda." sabi ni Benj
"wala ha! anu namang gagawin ko dun."
Nagtinginan na lang sila at nagsibalikan uli sa kani-kanilang mga ginagawa..Haizt! hindi ko naman talaga sinasadya na yung babaeng yun ang matamaan ng lata malas na lang talaga siguro nya yun.
Simula talaga ng makilala ko yung babaeng yun napuno na ako ng kamalasan tsk! una sinampal nya ako tas ngayon binato nya ako ng lata at sa pinakaiingatan ko pa talagang mukha ha! putcha naman oh! wala bang epekto sa kanya ang kagwapuhan ko??
*****
"Bro! ang aga mo ata." sabi ni Benj
"Baking Class kasi namin ngayon kaya papasok na ako."
"wooh! favorite mo na talaga ang baking.. Samantalang noon isinusumpa mo yan." nakatawang sabi ni james
Tama sya halos isumpa ko na talaga dati ang mga baking class ko ang hirap kasi lahat dapat accurate. pero habang tumatagal eh, na enjoy ko na din naman.. pakiramdam ko kasi habang nagbabake ako nawawala lahat ng problema ko.
"Basta Zach, dalhin mo na lang dito yung binake mo ha!" parang bata na sabi ni James
"San ko pa naman ba yun dadalhin kung hindi dito lang din naman"
![](https://img.wattpad.com/cover/14724736-288-k665675.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Big Mistake
Teen FictionI'm Zachary Valencia at ito ang kwento ko at kung gaano ako ka bobo na pakawalan ang nag iisang babaeng magpapatibok pala ng puso ko..