Tok..... tok..... tok..
"Master zach" tawag saakin ni Manang Betty, Halos ito na ang nagpalaki saakin.. Hindi na nga ito nagkapamilya dahil sa hindi nya ako maiwanan. Alam niya lahat ng sakit na naranasan ko mula noong maghiwalay ang mga magulang ko kaya siguro hindi nya ako magawang iwan.
Kanina pa ako gising, halos hindi nga ako nakatulog.eh,, bumalik nanaman kasi sa akin ang mga pangyayaring iyon. Isang malaking bangugot ng nakaraan ko.tsk!
"Pasok" sabi ko habang nakahiga pa din.
"Master ito na po ang pagkain ninyo. bumangon na ho kayo riyan at baka malate kayo sa pasok nyo. unang araw pa naman ngayon ng pasukan" sunod sunod na sabi ni manang betty, habang nilalapag ang tray ng pagkain sa side table malapit sa kama ko pagkatapos nun ay tuluyan na itong umalis.
Pakatapos kung kumain ay nag handa na ako sa pag pasok sa University na pinapasukan ko. Third year na ako sa kursong BS Hospitality Management. natawa pa ako nung malala ko kung bakit nga ito ang pinili kong course samantalang hindi naman ito ang gusto ko.
Architecture sana ang gusto kong course kaya lang ewan ko ba kung anung naisip ko at nakakita lang ako ng mga chicks tapos tinanung ko kung anung mga course nila tapos yun ito na nga kaya napadpad ako sa course na ito.. Pero habang tumatagal eh nagugustuhan ko na din naman ito kahit papaanu. Hindi ko alam magkakafuture pala ako dito..
Bago pa lang ako makapasok sa gate ng school ay nakarinig na ako ng mga tilian ng mga babae. Well hindi ko din naman sila masisisi kung ganyan sila magreact sa tuwing makikita ako... tsk! Ako si Zachary Valencia at sinong babae ang hindi mahuhulog sa mga pambobola ko. Para sa akin Love is just a game at laruan ko ang mga babaeng yan!
****
Papasok pa lang ako nang school nun nang makarinig ako ng mga babaeng nagsisitilian! Nakakarindi ha!! mga buwist na babae to! sino naman kayang pinagtititilian ng mga ito? may artista ba na bibisita ngayon sa school namin? may shooting ba si Daniel Padilla sa school at ganyan magsipag tilian ang mga to?!
"Amanda!! Dalian mo naman maglakad... ayun na sya oh.." sabay turo ni Amy dun sa lalaking bumaba dun sa magarang kotse na minamaneho nya.
"Oh, eh... anu naman dun? sinu ba yun ha?" naka kunot- noong tanong ko kay Amy na panay pa din ang tingin doon sa lalaki na pinalilibutan ng babae,,, shocks!! anu to? may Grand Fans Day ganun! dinaig pa nila ang mga G2B army ha...
"Hindi mo kilala si Prince Zach???" gulat na sabi ni Amy sa akin.
"Huwoww! ha,, hindi talaga siya artista para kilalanin.." sabi ko in sarcastic way..
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Big Mistake
Genç KurguI'm Zachary Valencia at ito ang kwento ko at kung gaano ako ka bobo na pakawalan ang nag iisang babaeng magpapatibok pala ng puso ko..