Amanda's POV
Bakit ba bigla na lang akong nakaramdam ng kilig sa puso ko nung makita ko syang nililigtas ako laban sa mga masamang babaeng umaaway sa akin eh, kung tutuusin nga eh dapat magalit ako sa kanya dahil sya ang dahilan kung bakit ako pinagdidiskitahan ng mga babaeng yun.tsk.
Ramdam ko ang pag aalala ng tono nya tuwing kinakausap nya ako pero hindi ko sya sinasagot wala naman kasi akong mahagilap na words alam nyo yun! yung feeling na natatameme ang buong sistema ng pagkatao ko idagdag pa ang paghawak nya ng mahigpit sa kamay ko habang papunta kami ng gym at ng tambayan nila. Kahit nga niloko na sya ng mga barkada ay hindi pa din sya bumitaw sa pag kakahawak saakin. Bagkus ay hinila nya lang ako papunta sa sofa at nagsimula akong gamutin.
Ibang iba ang nararamdaman ko habang nililinis nya ang mga sugat na natamo ko kanina.Sa tuwing nag tatama ang aming mga mata! oh my gadd! gwapo talaga sya.. tsk! halos hirap na hirap na akong huminga sa mga sandaling iyon dahil sa pagkakalapit namin nang bigla na lang dumating si Calvin at yun nakita ko na parang umiiwas sya ng tingin habang kinakausap nya si Calvin at pinaubaya na ako sakanya at sabay alis... Walk out king talaga..
Kahit papaano ay may kabaitan din pala ito ang buong akala ko kasi puro lang kawalanghiyaan ang kaya nitong gawin.
*****
Zach's POV
6:00 am pa lang at nandito na ako sa may gate ng university.tsk! kung bakit ba naman ako inuusig ng konsensya ko at parang inuutusan na abangan ang babaeng yun kung sakali namang saktan na naman sya ng mga babaeng nang aaway sa kanya! para tuloy akong ewan dito sa may puno at nagtatago..
Maya-maya pa ay nakita ko na syang papasok ng gate at ewan ko ba dito sa katawan ko at bigla na lang akong gumalaw at sinundan sya habang naglalakad. Tsk!
Nabigla ata sya sa pagsulpot ko kaya napatigil sya sa paglalakad..
"Anung ginagawa mo?" tanung niya na parang takang taka sa ginawa ko.
Well ako nga din eh nagtataka sa sarili ko ngayon..
"Ahh ehh,, sinasamahan ka. baka nanaman kasi hindi ka nanaman makapasok dahil sa mga pasa at sugat na makukuha mo sa mga babaeng yun...madadamay nanaman ako!"
"Huh? madadamay?ikaw? Hoy! lalaki baka nakakalimutan mo na ikaw ang dahilan kung bakit nila ako ginaganito!!" sabi nya sa halos makakapatay nyang tingin sa akin..
"Relax ka lang pwede? sinasamahan na nga kita di ba para hindi na yun maulit.Tara na nga!" sabi ko habang hinatak sya papunta sa klase nya
hindi talaga ako makapaniwala sa mga gingawa kong to ngaun! Ni hindi man lang ako nagalit sa kanya kahit sinigawan nya ako tas ngayon naman ay hawak- hawak ko ang mga kamay nya! dagdag pa ang mga matang nakatingin sa amin. Pero hinayaan ko na lang sila.
"Oh, pumasok ka na." sabi ko sa kanya
"Prince, bakit mo sya hinatid?" bigla namang tanung nung isang babae habang naka crossed arms at nakaharap sa akin.
"Wala kang pakialam"
"Pero Prince nakalimutan mo na ba ang ginawa nya sayo?" Sagot nito..
Hindi na ako nag abalang sagutin pa ang mga tanung na iyon ng babae at dereretso na lang ako papuntang tambayan. Kanina pa ako inaantok sa aga ko ba namang nagising kanina para lang ihatid ang babaeng yun haizt! anu ba tong nangyayari sa akin. Grabe naman ata ako ngayon maawa sa isang katulad nya..tsk!
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Big Mistake
Ficção AdolescenteI'm Zachary Valencia at ito ang kwento ko at kung gaano ako ka bobo na pakawalan ang nag iisang babaeng magpapatibok pala ng puso ko..