Amanda's POV
Ilang araw na din akong nagtataka sa mga ikinikilos ni Zach, simula nung insidenteng atakihin ako ng asthma ko.. Sya naman kasi ang may kasalanan kung hindi pa ako in-asthma hindi pa nya ibibigay yung bag ko,tsk!
Una hinatid nya ako sa bahay tapos medyo bumait na sya sa akin hindi na din nya ako masyado inaaway tulad ng dati.. Siguro na-guilty yun sa mga ginawa nya sa akin kaya ganun.. Pero sa totoo lang may ibabait pa pala ang mokong na yun! kala ko kasi talagang sagad sa buto ang kasamaan nun! hahah OA naman kung sagad! medyo- medyo lang pala hehe.
Palabas na ako ng bahay namin ng bigla akong tinawag ni manang Lety
"Amanda hija, pinapasabi ni mam na huwag na daw kayo magco-commute delikado kasi sainyo baka doon pa kayo atakihin ng asthma, nakaready na ang sasakyan nyo kaya doon na lang po kayo sumakay" sabi ni Manang Lety
"Pero Manang Lety, Hindi naman ako sanay na papasok na naka kotse alam nyo naman po yun diba."
"Pero hija, kami naman ang mapagsasabihan ng mama nyo. Pag hindi kayo sumunod."
'Ok po manang sasakay na ako."
Pumayag nalang ako kaysa naman mapagalitan pa sila dahil sa akin. hay! hindi ako sanay sa ganito. ayoko ng hatid sundo ako! para naman kasi akong bata kung gagawin nila to sa akin lagi.. At gusto ko din naman maging isang simple estudyante lang..
Nagtataka siguro kayo kung bakit ako naging Varsity player sa dati kong skul noh! well ginamit ko lang naman ang mga contacts ko hehe... and i used a fake medical certificate para may ipresent sa sa mga prof ko.. ganun ako ka desperada ayoko kasing sabihin na mahina ako ayokong kaawaan ako ng mga tao kaya para matakpan ang sakit ko pumasok ako sa sports.
Pagbaba ko ng sasakyan mukhang may mga mata kaagad na nakatingin sa akin.
"Sige po, mang Jun, salamat" sabi ko at humarap uli sa dadaanan ko..
Iba talaga ang nararamdaman ko ngayon parang may mga matang nakasunod.tsk! haist mabubugbug nanaman ba ako? My gaddd wag naman po!
"Amanda!"
Humarap ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang nakangiting si Zach.. Nakangiti talaga sya! anu naman kayang nakain nito? hay!
"O, anung kailangan mo ha?"
"Wala, ahm mamaya pala punta ka sa tambayan ha! diba wala ka namang pasok."
"HUH! at paanu mo naman nalaman ang sched ko ha?" taas kilay kung tanung.
"ahh, edi kinuha ko.. obvious ba? pilosopong sagot nya
"At bakit mo naman kinuha ha?"
'"Pwede ba pumunta ka na lang dun tsaka wag ka ngang maraming tanung pinapapunta ka na nga sa tambayan ayaw mo pa! Dyan ka na nga!" sabi ni nya sabay talikod sa akin..
Ang gulo naman ng taong yun! nagtatanung lang naman e, tss.. may sira talaga ata ulo nung Zach na yun.
****
Zach's POV
"Oh bro, anu bang nakain mo at nagluto ka ngayon? Pero alam mo sana araw-arawin mo ang pagluluto.. Para lagi naman kaming busog dito.." sabi ni James
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Big Mistake
Teen FictionI'm Zachary Valencia at ito ang kwento ko at kung gaano ako ka bobo na pakawalan ang nag iisang babaeng magpapatibok pala ng puso ko..