Part 6

36 0 0
                                    

Zach's POV

" Nakita nyo ba si Calvin? hindi naman sya nagpapalate ng ganito.ahh..." tanung ko kina Benj at James na abalang naglalaro ng Fluffybird tsk! ang baduy naman nitong dalawa siguro sa aming apat Ako at si Calvin lang ang matino..napakamot na lang ako ng ulo  sabay upo sa sofa habang umiinom..

"Zach, hindi namin sya nakita...eh." sabi ni Benj

"Baka naman niligtas nya yung babaeng sumapak sayo kahapon." sabad naman ni James habang tutok na tutok pa din sa nilalaro nya..

"At bakit naman nya yun ililigtas ha!! anu bang nakita nya sa babaeng yun ha? at tsaka kaibigan nya ako at sinampal ako nun malamang hindi yun tutulungan ni Calvin" sabi ko naman

"Zach, wag mong itulad si Calvin sayo.. kung gaano ka ka-playboy yun naman ang kina bait at ikinagalang ni Calvin.. at bakit naman sya magagalit dun eh,, ikaw naman unang yumakap hahaha,, naalala ko tuloy ngayon na tinawag kang PERVERT nung babaeng yun hahah eww! kadiri ka Zach." pang aasar na sabi ni James.. kahit kailan talaga  wala kang nasabing maganda..tsk!

"Mga sira!! talaga kayo kahit kailan tsk! makaalis na nga muna." sabi ko sabay tumayo

"Uy. teka Zach, san ka pupunta? nagbibiruan lang naman tayo eh.." sabi ni Benj  habang naglalaro pa din..

"Hayaan nyo nga muna ako.. Nakakabuwisit kayong kausap eh." sabi ko at nag lakad na patungong pinto nang bigla na lang itong bumukas..

"Oh, Zach, san ka pupunta?" tanung ni Calvin na syang nagbukas ng pinto at---- AT may ka holding hands pa ha!! hindi ko pa nakikita yung mukha ng babae dahil nakayuko lang ito..

"CALVIN!! may girlfriend ka na pala." sabay na sabi ng dalawang asungot na nasa likuran ko na ngayon..tsk! alangya naman na dalawa to oh! sarap pag umpugin mga buwisit!! inunahan patalaga nila akong magtanung kay Calvin.! 

"No, she's not may girlfriend, tinulungan ko lang sya. And her name is Amanda jane Jimenez.." sabi ni Calvin na may ngiti.. ngayon ko lang xa nakitang nagdala ng babae dito sa tambayan kaya nasisiguro ko na kung sinu man itong babaeng to siguradong espesyal ang tingin sa kanya ni Calvin..

Pero laking gulat ko na lang nang makita ko kung sino iyong babaeng kanina pa nakayuko at mukhang may mga sugat.

"Ikaw????????!!!!" sabay sabay naming sabi nina Benj at James. Minsan din pala may silbi tong dalawa eh..

"Yes, sya nga tinulungan ko sya dahil muntik na syang mapatay ng mga Fans mong mga sira ulo.." sabi ni Calvin habang hatak-hatak ang kamay noong babae papunta sa sala.. 

Hindi ko alam kung bakit ako nainis nung makitang hawak hawak ni Calvin yung babaeng yun.. buwisit!

"hoy, ikaw babae, kung ako sayo aalis na ako dito! hindi ka dito welcome alam mo ba yun pakatapos mo akong ipahiya kahapon!" sabi ko na titig na titig sa kanya.

"Hoy ka rin lalaking pervert!! Hindi ko gustong pumunta dito alam mo ba yun!! kung alam ko lang na andito ka di sana sa clinic nya na lang ako dinala buwisit!! at tsaka malay ko bang kaibigan mo pala tong tumulong sa akin,, ANYARE?? bakit ang sama naman ata ng kaibigan nya.. tsk! ' sabi nito nang nakataas ang isang kilay at nak crossed arms pa ha!

"Aba! talagang sumasa--------." naputol ang sinasabi ko ng bilang 

"Zach! anu ka ba? sinabi ko naman ang pangalan nya diba... sya si Amanda.. so call her, by her  name! plss.! don't be too harsh on her.. this is all your fault napahamak at nagulo ang buhay nya dahil sayo so please don't act like your the victim here!  nakita mo tong mga sugat nya? gawa yan ng mga die hard fans mo.. kung hindi ka naman kasi masyadong nagpapaasa sakanila hindi sana sila ganyan ka obsessed sayo ngayon." 

Nagulat ako sa sinabi ni Calvin.. well, tama naman talaga sya na sobra akong mag paasa sa mga babaeng yun at iyon ay dahil gusto kung maramdaman na madaming nagmamahal at nagkakadarapa makapiling lang ako.. i just want to feel loved.. yun kasi ang hindi ko naramdaman nung bata pa ako.

" Pervert!! ok ka lang?" curious na tanong ng babaeng to. 

"Oh, anu naman kung hindi ako ok? may pakialam ka ba ha? may magagawa ka ba?" sunod sunod kung tanong sa kanya habang nilalapit ang mukha ko sa mukha niya..

Tama nga talaga sila maganda tong babaeng to! ang tapang nya nga lang para sampalin ako sa harap ng mga babae ko! tsk.. yan tuloy sa ang ginagawang pulutan ngayon ng mga babaeng yun...

"Hoy Zach, kala ba namin eh! ayaw mo sakanya ha? bakit at masyado ka namang titig na titig kay Amanda." sabi ni James habang nakangisi.

Agad ko naman nilayo ang mukha ko at umalis na sa tambayan, tsk!! anu bang nangyari saakin.. haizt..

Amanda's POV

"OH! anung nangyari dun at biglang umalis?" tanung naman nung lalaking may pagkabecky ata na ewan.

"Anu kaba malamang asar na asar na yun sayo.. tsaka kanina pa naman nya gustong umalis kaya hayaan mo na." sabi naman nung matangkad at gwapong lalaki 

Habang si Calvin naman eh, kanina pa ata walang imik.. tahimik lang nyang nililinis ang mga sugat ko at parang abalang abala sya.

"Calvin, ok ka lang ba? kanina ka pa kasi walang imik eh,," tanung ko sakanya habang nakatingin sa nililinis nya pa ring sugat ko.

"im okay,, ahmm.. about what happen kanina wag mong intindihin yung Zach na yun.!. Guilty lang yun at ayaw nyang aminin kasalanan nya.. pero kahit ganun yun mabait naman yun isip bata lang kasi." nakangiti ng sabi ni Calvin.

Ang gwapo talaga nya at ang bait pa masyado na ata akong nahuhulog sa lalaking to.. ito kasi ang pinakaunang pagkakataon na may tumulong sa aking lalaki eh! tsaka sinu ba namang hindi mahuhulog sa sa gwapo ng lalaking to! kung ako siguro magiging pasyente nito ipagdadasal ko siguro na wag na munang gumaling hehehe...

The Cassanova's Big MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon