Amanda's POV
"Amanda!" tawag ni Zach
"Oh, bakit anung kailagan mo?"
"pag ba tinatawag ka may kailangan agad? oh, para sayo" sabi ni Zach sabay talikod kay Amanda papalayo.
"cake?! hoy teka! Zach! Hindi ko pa naman Birthday ah! bakit lagi ka na lang nagbibigay mag kaka sakit ako sayo nito ng diabetis eh!"
Hay talaga ang lalaking yun di ko na talaga sya ma intindihan pero ewan ko ba at kinikilig naman ako sa mga ginagawa nya nitong mga nakaraang araw lagi na lang kasi syang nagbibigay ng cake na sya pa ang nag bake hahah bake with love wahhhhh!! hindi ko na alam pero nahuhulog na ata ako sa mga pinag gagawa nung lalaking yun...
Simula kasi nang bumisita sya sa bahay namin eh napadalas din ang pagpunta nya kahit nga linggo magkasama kami eh, kung hindi kami lumalabas eh sa bahay lang kami. Kaya nga naguguluhan na ako kung anu ba talaga kami eh! alam nyo ba yung feeling na parang may something hahaha at pinagtataka ko pa eh hindi nya na din ako masyado inaaway para ngang ako pa yung lumalabas na nang aaway sa kanya eh ewan ko ba dun nagpapatalo na lang ata sa akin yun eh tss!
After class
"Calvin, anung ginagawa mo dito?"
"ah, Amanda ahmm----------'
Hindi pa tapos ng sasabihin si Calvin ng bigla na lamang may tumawag at humila sa aking mga kamay
"halika na! Bro akin na muna si Amanda ha" sabi ni Zach habang hila hila ang kamay ko.
"Anu ba Zach? nakita mo ng naguusap pa kami ni Calvin eh!"
Naiwan naming nagiisa si Calvin tsk! kawawa naman yun hmmp anu ba kasing kailangan sa akin nitong lalaking to ngayon.. histtt,, Ni hindi man lang nya pinatapos mag salita! bastusan lang ganun?!tss..
"May pupuntahan tayo" matipid na sagot ni Zach na hawak hawak pa din ang kamay ko.
"saan? ' naguguluhang tanung ko
"Sa mall"
"Whatt hinila mo ako para pumunta sa mall ok ka lang?
"Sakay na. dali" sabi ni Zach habang naghihintay sa loob ng kotse nya..
Habang nasa biyahe ay wala pa din kaming imikan. nahihiya naman ako mag salita kasi hay! baka hindi nya lang ako pansinin mukha kasing ang seryoso nya eh.. nagtataka nga ako kasi kaninang umaga ok pa naman kami eh. Anu kayang masamang hangin ang nalanghap nito?!
Habang naglalakad kami papasok ng mall ay bigla na lang syang umakbay sa akin.
"Anu ba Zach!" sabi ko sa kanya habang pilit na inaalis ang naka akbay nyang kamay sa akin.
haist! nakakainis pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dito,, eh nakakahiya!!
"Pwede ba wag kang malikot dyan ha! pinagtitinginan tayo eh!" sabi ni Zach habang nakangiti
"eh panung hindi tayo pag titinginan eh naka akbay ka sa akin.. PDA alam mo ba yun"
"anu ka ba sa panahon ngayon normal na lang yun kaya pwede sumunod ka na lang.."
wala na akong nagawa pa kung hindi ang sumunod na lamang sa lalaking to. hanggang sa mapapunta kami sa Movie theater
"Manunuod tayo ng Movie?" nagtatakang tanung ko kay Zach
BINABASA MO ANG
The Cassanova's Big Mistake
Teen FictionI'm Zachary Valencia at ito ang kwento ko at kung gaano ako ka bobo na pakawalan ang nag iisang babaeng magpapatibok pala ng puso ko..