Chapter 3

37 0 0
                                    

Dahil sa nakakatakot nilang mga tingin, tumalikod ako at onti onting naglakad palayo sakanila pero pag minamalas malas ka nga naman

“Where do you think you’re going honey?” sabi nung isang miyembro ng wonder pets pero teka tama ba yung rinig ko? Ineenglish ako. English din ba dapat ang sagot ko?

“Girl wag mo englishin baka hindi ka maintindihan” (pabulong)

“I’m going home” sagot ko

(==.)!!

Mali ba yung sagot ko?

“hahahaha”

Maganda sana sila kaso mga baliw. Sayang ganda nila. Tsk!

“Joke lang yun. Ahmm ano bang name mo?” tanong nung isa

“Elle”

“Hello! Wag ka matakot sa amin ah. Tropa tropa tayo dito”

“Tska magkaklase tayo. So ayaw mo bang pumasok?”

Papasok ba ko? Kasi naman kabago bago ko tapos late ako.

“Hindi na hihintayin ko na lang lumabas yung teacher”

“Hindi ka naman papagalitan nun tska late din naman kami.. look ‘to pa yung bag namin”

“Second day pa lang naman. Pakilala pakilala pa lang yan” sya si girl ulit

“Ok sure kayo?”

“Oo naman tska mababait ang mga tao na nasa loob”

“Eh bakit kahapon hindi ko kaya nakita?”

“Hindi kami pumasok kahapon”

Kaya pala ang onti lang namin kahapon. Pumasok na kami at parang wala lang sakanila pero yung iba nakatingin sa akin. Bakit may mali  sa suot ko?

Ay nga pala wala pa kasi akong uniform, hindi pa nakakabili.

“Meron pala kayong bagong classmate sabi nyo wala?” sabi ni teacher

“Would you kindly introduce yourself” dagdag ni teacher

So ano pa nga ba?

Nagpakilala ako. at umupo ako sa dulo.

Silip

Silip

Wala yung lalaking asungot? Hmm bakit ko ba sya hinahanap?

Daldalan ng daldalan yung mga classmate ko. Wala namang pakialam yung teacher kasi nga first day pa lang namin sakanya. Akala ko sa isang araw lahat na ng subject hindi pala.

Kwento dito, kwento doon ako naman nganga dito, nganga doon.

I feel like I do not belong in this section. Sad sad!

Ano ba yan. Nahahawa na ako kay girl ulit. Kasalanan nya ‘to.

May tumabi sa akin na lalaki

Hmmm

Parang masungit ang isang ‘to wag ko na lang pansinin

“Kuya bago ka din?” tanong ko

Oo na alam ko wag nyo na ko sisihin. Hindi ko kasi matiis

“no”

No? isang maikling no? ano ba naman ang mga tao dito hindi marunong magsalita ng mahaba hindi kagaya ni girl ulit

Finally recess na. lumabas ako ng room at teka hindi ko nga pala alam ang papuntang canteen. Tsk! Engot mode nanaman ako nito

Balik

Balik

Tama! Hindi na lang ako bibili. Hihintayin ko na lang hanggang uwian.

Hindi ka pa nag aalmusal

Pakainin mo kami

Maawa ka sa amin

Huh? Sino yun? nako baka guni guni ko lang yun. oo tama gutom lang ‘to

Konting tiis na lang

Errr 9:30 am pa lang alasingko pa ang labasan ko

Gutom nakooooooo

 ***

High School Relationships that last FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon