Chapter 7-5

12 0 0
                                    

Chapter 7-5

Christmas Party nanamin. Excited na ko kasi first time ko mag Christmas party kasama sila although sila hindi nila first time

Bit-bit ko?

Wala akong dalang food, nag ambag na lang ako. syempre mahihirapan lang akong magdala basta nag ambag ako tapos na haha

Regalo?

Secret. Later na lang.

Nandito na ko sa school. Ang cute nung mga bata.. ang ganda kasi ng  mga damit nila.

Nagpa games muna si President then kumain then bigayan na ng regalo

Nakapa bilog yung mga upuan at dahil ako yung nasa pinto ako daw muna ang una. Tumayo ako at kunwaring hinahanap yung nabunot ko.

Katabi ko kasi si Ly so nakatalikod ako sakanya.

Humarap ako sabay ^_______^

“Merry Christmas Ly” at inabot ko yung regalo ko sakanya

Tuwang tuwa naman ang loka kasi malambot daw

So next na tumayo ay si Ly then inabot nya yung gift nya dun sa lalaki naming classmate

“Kyaaah thank you Ell. I love you”

“You’re welcome girl. Love you too girl”

Alam daw nya kasing sya yung nakabunot ko. Kunwari naniwala sya dun sa pinakita kong papel, nakita nya kasing inabot ni Carl sakin yun tsaka sabi nya pa “ramdam ko talaga yun girl. Bestfriend instinct ang tawag dun” -__-‘

Pagkatapos ng Christmas party sa bahay nila Mikee kami mag Christmas party. May kalakihan kasi yung bahay nila.

Bago ako pumunta kila Mikee umuwi na muna ako. Hindi kasi ako komportable sa suot ko at saka hindi ko rin dala yung gift ko para sakanila.

Kompleto na kaming lahat. Syempre with boys

“Pen ikaw na mag opening ng party natin”

“Gago naman tol.. bat naman Pen?”

“O aarte pa yan.. ako nag pangalan sayo tol. You must be proud”

“Bigayan na lang ng gift.. game na”

Si Ly ang unang tumayo dahil sya daw ang pinaka maganda sa amin.

Pati mga boys may gift din na dala. Buti na lang pala binilhan ko din sila.

Matapos ang bigayan ng gift kumain kami. Hindi nga lang katulad ng handa namin kanina, puro snacks ang handa namin ngayon.

Hindi na muna namin binuksan yung mga gift. Sa pasko ko na bubuksan yung mga binigay nila para naman may bubuksan ako sa araw ng pasko.

Lumabas muna ako, kasi may nagsasabing lumabas daw ako.

Nakita ko si Francis nakatayo. Parang ang lalim ng iniisip nya.

“Merry Christmas” bati ko sakanya. Ngumiti naman sya at binati din ako. matagal ding walang nagsasalita sa amin.

“Sorry nga pala ah” panimula nya

“Sana hindi ka na ilang sakin”

“Hindi naman ako nailang.. akala ko nga ikaw eh kasi hindi mo ko pinapansin”

“Ah yun ba akala ko kasi nagalit ka sa sinabi ko sayo”

“Puro pala tayo akala.. basta peace na tayo ah”

“Oo peace na tayo”

Mabait naman si Francis. Lahat naman sila mabait eh. Naguguluhan kasi ako sakanila ni Carl. Bakit ako pa?

***

Ang ganda mo Elle haha

High School Relationships that last FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon