Chapter 9-2

11 0 0
                                    

Ako na nga ‘tong tumulong ako pa ‘tong masama. Whata life?!?

Bakit kasi hindi pwedeng lumabas ng school? Saan ako nito pupunta ngayon? Wala namang roof top o kaya naman garden ‘tong school eh.

*BEEP

Nasan ka? Diba sabi ko pumasok ka –Carl

Pake ba nitong si Carl kung nasan ako?

Anong pake mo kung nasan ako? edi ikaw ang pumasok. – reply ko sakanya

“Anong bang problema?” galing sa likod ko

Hindi ako humaharap kasi alam ko naman kung sino sya. Boses pa lang

“Sorry na. alam ko na kung bakit. Pasensya ka na sa kapatid ko. Napahugas ka tuloy ng wala sa oras”

So alam na pala nya? Buti naman

“Bakit ayaw mo bang pumasok?”

“Dahil ayaw ko”

“Dahil ayaw mo? Tsss patawa ka”

“Edi tumawa ka”

“Bakit nga?”

“Wala nga sabi”

“Siguro….”

“Siguro ano?”

“Nagseselos ka”

“Bakit naman ako magseselos? Ayaw ko pumasok dahil ayaw ko ng lesson, at ayaw ko ng katabi ko. At isa pa hindi naman kita mahal para magselos ako”

“Hinidi mo ko mahal?”

“Hindi”

Sinungaling ako.

***

Kasama ko ngayon si Francis

“Bakit naman ganyan yang kaibigan mo Francis? *singhot ng sipon* ang sama sama nya. Nakakainis sya”

Kinuwento ko sakanya ang lahat ng nangyari

“Bakit kasi si Carl pa? nandito naman ako”

“Oo nga nanjan ka”

“Tss Elle naman. Ako na lang”

“Francis sorry pero mahal kita bilang kaibigan lang. si Carl ang mahal ko”

“Naiintindihan ko. Pero sila na ni Jane”

“Kaya nga eh.. bakit hindi ko man lang alam”

“Hindi ko rin alam. Nagulat na lang ako na may something pala sakanila.. tandaan mo nandito lang ako lagi sa tabi mo. Kung may problema ka, sabihin mo lang. gagawin ko ang lahat para tulungan ka…pumasok ka na. sige ka baka bumagsak ka hindi ka nanamin classmate”

Natakot naman ako sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin? Na uulit ako sa first year? Ayoko nga!

Hinatid nya ako sa room.

Buti na lang pala  wala pa si teacher

Nakatungo lang yung katabi ko. Bakit hindi sila nagpapansinan ni Jane? Nag away ba sila?

“Elle cutting kung cutting ah” sabi ni Alyssa

Tumawa na lang ako yung ‘hehehe’

Dumating na yung teacher namin pero nakatungo pa rin si Carl.

Bahala nga sya jan. edi matulog sya.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Carl gising.. gising.. may quiz tayo”

***

High School Relationships that last FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon