Chapter 5-3

17 0 0
                                    

Wala akong kasama ngayon ah. Busy kasi sila Alyssa gawa nga nung kasali sila sa sayaw. Parehong kaliwa kasi ang paa ko.

"hindi ka kasali?"

"obvious ba Carl? Eh bakit ikaw hindi ka rin kasali?"

"Sa kanta ako"

"So you mean ikaw yung kakanta?"

"yup"

"Magaling ka ba naman?" tumango sya "Anong instrument gagamitin mo?"

"Ano bang gusto mo?"

Gusto ko? Adik ba sya? Malay ko naman sa ganyan. Pero mukha naman kaya nya tumugtog ng gitara. Hmm masubukan nga

"Ahmmm gusto ko? Hmmmm ang hirap naman pumili"

"Kahit ano" ah mayabang ka

"Piano" gitara, piano at drum lang kasi ang alam ko

"Ok ayun na lang ang gagamitin ko. Manuod ka sa Friday ah"

Then lumapit sa amin si Paul na may dalang gitara "Carl tara practice na tayo"

"Bro piano na lang gamitin natin"

"Ha? Seryoso ka ba? Edi ba ok na tayo sa gitara"

"Nagbago isip ko eh. Kunin ko na lang sa taas then dito tayo mag practice"

***

General practice lang naman. Papasok pa ba ko? Wag na, tutal hindi naman ako kasali sa program bukas.

*

*

Dapat pala pumasok na lang ako. wala akong magawa dito sa bahay.

Makapag fb na nga lang.

Log in

Hindi pa ko gaanun marunong mag fb. Ginawan lang ako nila Alyssa para daw makasabay ako sa uso. Tignan ko nga yung fb ni Carl

Search

Search

Online sya? Hindi rin kaya sya pumasok? Machat nga

Uy

(Bakit hindi ka pumasok?)

Tinatamad kasi ako tska wala namang gagawin

(Pumasok ka bukas)

Hindi ko lang sure kung makakapasok ako para kasing tinatamad ako

(Pag hindi ka pumunta bukas magagalit ako sayo)

Ano ba yan. Bakit ngayon pa nagloko 'tong internet namin? Hindi ko tuloy nabasa kung nagreply si Carl.

***

Back to normal na. nanalo sila Alyssa sa sayaw at nanalo din si Carl. Ang galing nga nila eh.

"Tapos na ang nutrition month.. bigayan na ng card sa Saturday, magdala kayo ng floorwax at sa Friday ko na sasabihin yung sa top ten" sabi ni Mam

Konti pa lang kami sa classroom, Monday kasi kaya yung iba late

Naninibago ako kay Carl, hindi kasi nya ko pinapansin. Hindi rin sya ng good morning sa akin. Oh baka naman nakalimutan lang nya?

Hindi rin nya pinapatong yung siko nya sa desk ko, ang layo pa ng upuan nya sa upuan ko at hindi nya rin ginagalaw yung buhok at bag ko.

"Carl?" tawag ko pero hindi ako pinapansin

Nakikinig ba sya? Aba himala! Hindi naman sya nakikinig pag nagtuturo yung teacher namin. Well, hindi naman sa lahat ng subject pero sa subject na Filipino nakikinig sya? Isa sa mga hate nyang subject. Ano kayang nakain nito?

Hanggang sa maguwian hindi nya ko pinapansin, pero yung iba pinapansin nya ako lang yung hindi nya pinapansin. Nakakainis naman

"Aba wala atang couple 2 ngayon"

"Tumigil ka nga Alyssa"

"HB ka naman masyado.. hintayin na lang namin kayo sa labas"

Cleaners kasi yung row namin. Yung iba nagwalis, yung isa naman nagbura ng blackboard, yung iba daldalan ng daldalan ayaw na lang maglinis.

Ako?

Eto nag aayos ng upuan. Masabi lang na naglinis

Si Carl naman inaayos pa yung gamit nya.

"Karla eto yung eraser mo oh.. thank you"

"Ok tapos na kami maglinis" sabay alis nila

"Patayin nyo na lang yung ilaw ah. Una na ko sainyo..... couple 2" sabi ni Karla

Couple2? Wala ng couple 2. Sira na. tapos na, tinapos nya na

Pambihira talaga 'tong mga kaklase ko oh.. hindi man lang inayos yung pagwawalis at hindi pa dinakot, inilagay lang dun sa gilid at tinakpan ng walis.

Dahil mabait ako, lumabas muna ako ng classroom at manghihiram ng pandakot.

Kaso

Pagbalik ko patay na yung ilaw at naka lock na yung room.

WHATT?? Nandun pa yung gamit ko eh.

***

High School Relationships that last FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon