Chapter 4

27 0 0
                                    

“Welcome sa grupo namin” sabi ni Alyssa

“Pag may problema sabihin mo sa amin at wala kaming pake” natatawang sabi ni Louisse

“Oo nga wag kang maniwala jan” Nadine

Yes tama kayo kilala ko na sila. Hindi lang kilala friend ko na nga sila eh. Ilang araw ko na ba silang friend? 4days na

Meron  nga daw kami friendsary

Nandito kami sa canteen at mejo nalilito pa din ako sa school na ‘to. Nahihirapan akong mag adjust

“Elle san ka nag elementary?” tanong ni Jane

“Dun sa malapit sa amin”

“Wala bang high school dun?” Mikee

“Wala”

Masaya naman silang kasama. Feeling ko nga matagal na kaming magkakakilala. Ang gaan ng loob ko sakanila

“Diba sabi mo mejo nalilito ka pa?” Alyssa

“Oo ang laki naman kasi nitong school na ‘to”

“Anong malaki? Hindi ‘to malaki akala mo lang na malaki pero hindi ‘to malaki.. sa una oo malaki pero hindi malaki” alam na kung sino ‘to

“Anong malaki Mikee?”

Huh?

Sino naman ‘tong mga lalaking to.

“Aba ang mga kolokoy nandito na. akala ko wala na kayong balak magpakita sa amin eh” Alyssa

“Grabe ka naman Ly. Puro kasi meeting sa section namin”

“Ang duga talaga.. kami lang yung napahiwalay sa inyo. Nasaan ang hustisya?”

Hindi naman ako makarelate sa pinaguusapan nila.

Sayang yung binili ko. Busog na kasi ako. dapat pala sa susunod magbabaon na lang ako ang mahal pa naman ng tinda sa canteen akala mo may ginto

“Ohh sino sya?”

Ako?

Hindi nila kilala. Gusto ba nilang makatikim ng - -  ok ok joke lang naman

“Elle” sabi ni Alyssa

“L? letter l? hindi ako humihingi  ng letter Ly” sagot nung isang ah nevermind

“Gaga! Elle ang pangalan nya. Bigyan mo nga ng piso ‘to at dun ka sa kanto maghanap ng kausap”

“Joke lang naman Ly wag na galit bati na tayo..please”

“yuck”

Hay sino ba sila? Ang dami naman ata nilang kilala

“Hello Im Francis” sabay smile

Ok gwapo naman sya

“Stephen nga pala”

“Jason”

Francis

Stephen

Jason

Ok kilala ko na sila

“St. luke sila Elle” sabi ni Jane

St. Luke?

First year din kaya sila?

“Dalawang section kasi ang first year dito” Nadine

“Lahat naman Nadine tig dadalawang section”

“Oo nga hindi pa naman kasi ako tapos” ang gulo nila

“Ayun nga sabi ko nga, first year hanggang fourth year dalawang section.. kaya hindi malaki ‘tong school na ‘to”

“Akala mo lang malaki kasi bago ka pa- - -“

“Bago lang sya??”

“Malamang Jason classmate mo ba sya nung elementary. My God Jason utak  nga”

“Ang init init ng ulo mo sa akin. Ano bang ginawa ko at naging ganyan ka?”

“Nagdrama pa”

*Ting *Ting

“Ano ba yan si manong guard naman”

“Nako Elle wag mo na pansinin ‘to. Hindi kasi nakainom ng gamot eh… oh pano, akyat na kami.. sabay kami sa inyo pag uwi ah”

“Francis cleaners tayo ngayon”

“Ano naman? Ok lang yan basta wait nyo kami ah”

“Nako mukhang tinamaan na ‘to”

“Gago wag ka nga”

“Nako nako umakyat na nga kayo sumbong ko kayo sa adviser nyo na nagmumura kayo eh. Akyat akyat na.. bsta Cis magkwento ka later”

At ayun nga bumalik na kami sa classroom

Aba may balak pa pala syang pumasok.

Sino?

Hulaan nyo!

Bleh

 ***

High School Relationships that last FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon