Chapter 11-2

9 0 0
                                    

Nag aayos ako ng gamit ngayon, panu hindi naman namin nakita yung bracelet. Balak ko pa naman na isauli kay Carl yun, na ngayon ay nakatingin sakin.

Naka bukas kasi yung pinto ng kwarto eh nakaupo sya sa sofa.

“Carl pwede ba, naiilang kasi ako.. wag ka nga tumingin dito” lalo kasing ginulo ni Alyssa yung damit ko.

“Hindi ako nakatingin sa’yo”

“Adik ka ba? Anong hindi? Hindi ako duling no.. tska yung direksyon ng mata mo oh…”

“Hahahaha bagay talaga sa’yo” isa pa ‘to gwapo nga may sayad  naman. Sayang!

Hindi ko na lang sya pinansin pinagpatuloy ko na lang yung pagtitiklop ko ng damit na ginulo ni Alyssa

-

Hindi ako makatulog, kasi naman hinihintay ko yung awesome day. Samantalang sila tulog na tulog, ang galing nga eh lahat sila nakatalukbong ng kumot. Sama sama kaming mga girls sa isang kwarto.

Dahil hindi naman ako makatulog napagpasyahan ko na lumabas.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko

Pagbukas ko ng pinto tumambad sakin ang mga flowers na nagkalat sa sahig. Tapos may kandila, parang yung kandila e riles. Sa gilid ako dumaan, syempre baka hindi naman para sakin yun.

Sinundan ko na lang yung mga kandila and still nasa gilid ako. gusto ko sana sa gitna kaso ayoko. Haha

Hindi ko tuloy maiwasan na mag assume na para sakin yun. sila Alyssa kasi tulog na.

Ilang kandila ba ang ginamit dito? Ang dami eh.

Tapos may mga balloons pa. pati chocolates, kumuha kaya ako? titikman ko lang.

Madalim sa paligid, tanging ilaw na galing sa kandila na lang ang nakikita ko.

Nakikita ko na ang ending. May lamesa pero walang upuan at wala ding pagkain. At may isanng lalaking nakatayo.

Lalo tuloy akong kinabahan.

Lalakad pa ba ko? O babalik sa loob ng bahay?

Biglang ngumiti yung lalaki, ang puti ng teeth. Tapos biglang nawala yung teeth nya I mean nawala yung mga ngiti nya.

Papalapit sya sakin. Huminto ako sa paglalakad

“Carl?”

“Bakit hindi ka sa gitna dumaan? At jan ka sa gilid?”

“Hindi ko naman alam sya isa pa bakit ba may mga kandila? Tska pwede pahingi ng chocolate isa lang”

Kumuha sya ng isang chocolate sa sahig “Oh ayan…” isa lang talaga?

“Elle naman dapat sa gitna ka dumaan”

“Malay ko ba.. para kanino ba yan?”

“Para sa’yo”

“Anong para sakin? Ano ka ba? Niloloko mo ba si Jane?”

“Bakit nasama si Jane dito?”

“Eh kasi sya yung girlfriend mo”

“Hindi ko sya girlfriend ok”

“Ex?”

“Hindi rin.. hay Elle maaga akong tatanda sa’yo”

“Buti nga sa’yo”

“Ok Elle hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa… pero pwede bang sa gitna ka, para hindi naman sayang yung effort ko sa paglagay at pagsindi ng mga kandila” sinunod ko naman sya.

Nasa gitna nako ng mga kandila

“Elle will you be my friend?”

***

High School Relationships that last FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon